DECISION 2013: Grace Poe: Laban ni FPJ tatapusin ko | Bandera

DECISION 2013: Grace Poe: Laban ni FPJ tatapusin ko

- October 24, 2012 - 02:52 PM

Ni Bella Cariaso

SI Da King, Fernando Poe Jr., ang magiging puhunan ni Grace Poe sa kanyang pagsabak sa 2013 senatorial elections.

Ito ang walang kagatol-gatol na inamin ni Poe sa pagbisita niya sa Inquirer Bandera kamakailan

Anya, ang magandang reputasyon ng yumaong ama at kilalang hari ng pelikulang Pilipino na si FPJ ang siyang magiging kapital niya sa kanyang pagtakbo.

Ang nakababatang Poe ay isa sa mga kandidato ng Liberal Party coalition.  Guest candidate din siya ng United Nationalist Alliance sa pangunguna ni dating Pangulong Joseph Estrada, na best friend naman ni FPJ.

Kuwento pa ni Poe, ang pangalan din ng ama ang siyang nagbigay sa kanya ng oportunidad para pamunuan ang dating hinawakang government post na MTRCB.

“First of all my job in the MTRCB, do you think people will recommend me if not for the reputation of FPJ?  On the other hand, that’s the capital that I’m working with.

I don’t intend to lose it, I intend to add to it, not to lose it,” sabi  pa ng anak ni Da King.

Hindi man natuloy ang laban ng ama matapos itong mamatay dahil sa sakit sa puso, ilang buwan matapos madaya sa halalan noong 2004 presidential elections, nangako ang nakababatang Poe na itutuloy nito ang inumpisahan ng ama na laban para sa kapakanan ng higit na nakakarami.

MTRCB record
Bukod sa reputasyon ng ama, ang magandang rekord din anya niya bilang MTRCB chair ang isa ring adbantahe para maisulong ang kanyang kandidatura.

Dagdag pa ni Poe na hindi magiging mahusay ang rekord niya sa MTRCB kung hindi rin maganda ang ginawang pagpapalaki sa kanya ni Da King at ng inang si Susan Roces.

“Makulit ako, malakas talaga ang loob ko, kung meron talaga akong gusto, nagpupursige ako pero dahil nga pinalaki ako ng tama, nagkakaroon ako ng pananaw na mas patas naman, may takot ako sa Diyos,” dagdag pa ni Poe.

Bilin ni Susan Roces
“When I told her, I’m being offered the MTRCB post, nagulat ako, her face lit up.

Kaya natin  ‘yan, you know what the issues are because  you grew up God-fearing and disliking  censors, so do it.

So, nung inoffer na sa akin ang Senate, siyempre nalungkot siya, sabi niya if you join this race, you better do this to win.

Don’t do it half-heartedly, you pour  yourself into it, do  your best,” ayon pa kay Poe.

Ngayon, ang ina anya ang nagbibigay ng  pinakamalaking moral support sa kanya.
Anak ako ng tatay ko
Naniniwala rin ang dating MTRCB chair na ang pagtakbo niya  ay may basbas ng ama dahil madali rin siyang maka-connect sa tao.

“When I went to the province, sabi sa akin ng mga tao, ikaw ‘yung anak ni FPJ, nanonood kami ng teleserye ng nanay mo,  si Manang Henya,  dun sa Walang Hanggan, tapos anak ni FPJ, meron kaagad connection to the people kasi nga they can relate to the roles,” kwento pa ni Poe.

Urban legend lang
Hindi na rin anya isyu sa kanya ang di mamatay-matay na kuwento na anak siya ni dating Pangulong Marcos sa tiyahin na si Rosemarie Sonora.

“Urban legend lang yan.  Wala talaga kaming koneksyon.

Hindi ko talaga nakilala ang mga biological parents ko.

Basta ang pinaninidigan ko na lamang ay ang pagmamahal na iniukol sa akin ng mga nakilala kong magulang.”

Dumating at magpakilala man sa kanya ang mga tunay na magulang ay hindi pa rin maaapektuhan ang kanyang pagkatao.

Alok noong 2010
Samantala, kinumpirma rin ni Poe na si Pangulong Aquino ang unang kumausap sa kanya para su-mabak sa senatorial polls.

“The first who really invited me is the President.

Of course, there are informal paramdams, talks every now and then, people from Liberal Party but it’s really the President who invited me to discuss the possibilities.”

Aniya, 2010 pa lamang ay may mga kumukumbinsi na sa kanya na tumakbo bilang senador.

Ngunit nagdesisyon na sila na huwag na munang makisawsaw dito dahil magkatunggali si PNoy at si dating Pangulong Estrada.

Ngayon, naging mahab-haba rin ang panahonng pag-iisip bago umano siya sumagot ng oo kay Aquino.

Setyembre na nang magdesisyon si Poe na handa na siyang sumabak sa politika.

“Sabi ko. Mr President, it’s an honor to be considered by you. If you think I will be of help  and  I’ll be an advantage to your team, it  is my honor to be a part of your team.

Please let me know as early as you can so that I could be prepared emotionally and I left it at that,” kwento ni Poe.

Ipinaalam din niya anya ang kanyang desisyon kina Estrada at Vice President Jejomar Binay ang pagkakasama niya sa tiket ng LP.

Suporta ni Erap
Inamin  din ni Grace na nagtampo sa kanya si Estrada.

“May tampo. But, sabi niya, you know even when you joined Liberal, which I’m actually not, I’m independent, we will support you because I love your dad very much,  he is my bestfriend.

Sabi ko na lang, I love you, I love you Mr. President, thank you, para hindi na ko mapagalitan,” kwento pa ni Poe.

Mga hirit ng anak ni Panday

NANG bumisita sa Inquirer Bandera si dating MTRCB Chairman Grace Poe ay inusisa siya sa kanyang opinyon sa maraming maiinit na isyu ngayon. Narito ang kanyang mga sagot:

Cybercrime Law

I agree with the President in most of the issues, but I also agree when he finally said that Cybercrime Law would need certain amendments.

Sang-ayon ako with revisions. Cybercrime is anti-child prostitution,  anti-cybersex, mabuti naman ‘yun,

Nakakatakot lang yung libel talaga, reclusion  perpetua mga ganyan.

Really? makukulong ako kasi nag-like ako? Ngayon nga lang ako natututong mag-Twitter, makukulong pa ako.
Sin tax bill

Sangayon ako, the highest possible tax rate for cigarettes.

Ang sinasabi  ‘yung mayayaman magyoyosi pa rin pero kahit paano, mapipigilan.  Definitely,  ‘yung version na mas mataas ang revenues kasi nga sa buong mundo tayo yata ang  third na pinakamura ang yosi.

Rproductive Health bill
I will always be against abortion but I think the debate on RH bill  should continue and be open to discussion.

I really think women should have access to the best possible health care, prenatal care and that they should be given all the support so that they can have fulfilling lives.

Divorce
I am open to it especially on a ground that women should be protected. The government should open the discussion on this.

FOI bill
I’m for Freedom of Information bill. OK, kung matino ang administration natin…

What kung hindi? How can you be protected?  How can you get information if you don’t have something like that?

Logging
Responsible forestry, come on, we can’t live without a table.

Like in the US, habang nagtatanggal sila rito, nagtatanim  na sila dito, pagbalik nila malaki na ‘yung dito.

Mining
Responsible mining. Whether  we accept it or not, obviously when we say responsible mining, ang bumabalik sa government two percent lang na tax.

Kalokohan naman ‘yun and who determines if a particular mine is actually safe.

Kasi, di ba we are an earthquake prone area so how do we do it? At sana, if there is responsible mining, we have to be able to process whatever we mine here in the Philippines.

Hindi parang we export all the raw materials pagdating sa atin, finished product na, mas mahal na.

Why can’t we revive na  that’s part of the  deal. You mine here but you process here, at least 50 percent or 60 percent of what you mine.

Peace talks
I’m very optimistic about this Bangsamoro Framework.

It’s a far cry from what GMA was trying to do which was sneaky, the MOA-AD, all of a sudden, the US was in  Malaysia.

All of a sudden magiging independent na ang Mindanao.

What I really like is ‘yung sinabi ng Malaysia na we cannot sacrifice another generation  and then finally children can have the future their parents envisioned for them instead of guns.

Same sex marriage
Even before we venture to that,  we should consider the legal  protection of a partner.

We have to. For example, you have a gay person working in a company, how does his partner get medical coverage, di ba, as a partner not a spouse.

These are the things that we have to figure out. The benefits, insurance, all other benefits that is accorded a wife.

How do we lay that out first before we even  venture  into saying that yes you can get married, di ba?  Paano ‘yung legal representation nila?

Charter change
We have to strengthen first the elctorate. Kasi ngayon kung sino lang ang powerful pero later on, you can see  pumipili na sila ng hindi  basta- basta, there is already rise in consciousness on who  to put in office. Hindi na katulad noon.

We have to have an empowered electorate before we can actually say let’s totally change the system but definitely, we should have amendments every now and then. Constitution naman is not a perfect document.

House arrest for GMA
Not house arrest. For me as long as she medically needs it and it’s not St. Luke’s determining, but Veterans, she should be kept in a hospital if she really  needs. House arrest, maybe not because Erap initially didn’t have that.

Pork barrel
Ang importante kasi diyan sa pork barrel, gamitin ninyo naman talaga for your district.

The way it should be dispensed, should be reevaluated.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat lahat ng mga senador at mga congressmen, ilagay sa Internet, ito ang SARO ko at ito ang paggastusan ko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending