Mayor sinibak sa pagsibak sa driver
Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak kay Atimonan, Quezon Mayor Jose Mendoza kaugnay ng pag-alis niya sa trabaho sa driver ng munisipyo.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales si Mendoza ay guilty sa administrative case na Gross Neglect of Duty and Oppression.
Bukod sa pagkatanggal sa posisyon, si Mendoza ay hindi na rin maaaring tumakbo sa eleksyon, kanselado na ang kanyang eligibility at hindi na maaaring kumuha ng civil service examinations at wala ng makukuhang retirement benefits.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Romeo Parin na iligal umanong sinibak ni Mendoza noong 2010 bilang driver ng munisipyo. Inapela ni Parin ang desisyon subalit hindi ito pinagbigyan kaya iniakyat niya ito sa Civil Service Commission na naglabas ng desisyon na pabor sa kanya.
Naglabas umano ng desisyon ang CSC na ibalik si Parin noong Mayo 2013 subalit Setyembre 2014 na ay hindi pa ito ipinatutupad. Ipinag-utos din ng CSC na bayaran ang suweldong hindi nakuha ni Parin dahil sa pag-alis sa kanya sa trabaho.
Sinabi ni Morales na malinaw ang hindi pagsunod ni Mendoza sa utos ng CSC.
“Said act cannot be countenanced without running afoul of the established rule of actions of government officials and employees’ highlighting that ‘respondent’s show of arrogance and persistent disregard of lawful orders of a constitutional body continued while serving anew as mayor of Atimonan,” saad ng desisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.