Tamang panahon para kina Yaya Dub at Alden inaabangan na ng buong mundo
BUKAS na ang pinakahihintay na araw ng mga tagahanga ng AlDub. Ito na ang pagkakataong pinananabikan ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).
Tamang Panahon. Markado sa mga kababayan natin ang litanya ni Lola Nidora (Wally Bayola). Araw-araw halos ay binibitiwan ng ma-galing na komedyante-TV host ang salitang sa tamang panahon.
May litanya si Wally na ang pag-ibig ay pinag-iingatan, pinagsasakripisyuhan, ang pag-ibig ay hindi parang instant noodles. Totoong-totoo ‘yun.
Maraming dahilan kung bakit todong pagtangkilik ang iniregalo ng publiko sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
May kilig at komedya ang bahaging ‘yun ng noontime show pero bitbit ng kalyeserye ang mga makalumang kulturang Pilipino na dapat lang namang bigyan ng importansiya hanggang ngayon.
Nauna na ang CBCP sa pagbibigay sa kanila ng pagpapahalaga, sa mga susunod na pagkakataon ay mas marami pang mag-aabot sa kanila ng papuri, markadung-markado ang kalyeserye na nagsimula lamang sa isang aksidente.
Bahagi ng bawat pananghalian ng mga Pinoy ang kalyeserye, sumikat nang todo-todo ang AlDub, itinaboy sa kangkungan ng Eat Bulaga ang katapatan nilang show.
Tamang Panahon. Bukas na sa dambuhalang Philippine Arena! Maligayang bati sa TAPE, Inc. sa pagkakaroon nila ng makabuluhang proyektong tulad nito na ang makikinabang ay libu-libong Pilipino na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.