Bagong drug na ‘Flakka’ mas malala sa cocaine, baka nakapasok na sa bansa
Nagbabala ang isang mambabatas sa posibleng pagkalat ng bagong drug na ‘Flakka’ sa bansa. Sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development, sinabi ni OFW Rep. Johnny Revilla na kalat na ngayon ang “Flakka” sa Estados Unidos. Ito umano ang bagong “cocaine” sa US. Sinabi ni Revilla na malala ang epekto ng Flakka dahil maaaring mamatay ang gumamit nito kapag nasobrahan. Ayon kay PDEA-NCR director Erwin Ogario mayroon na siyang natanggap na impormasyon kaugnay ng Flakka subalit wala pa umanong ebidensya upang masabi na nakarating na ito sa bansa. Dahil dito dapat tutukan na ng PDEA ang mga pantalan at paliparan kung saan maaring idaan ang bagong droga. Sinabi ni Ogario na ang shabu pa rin ang pangunahing ginagamit ng mga adik sa bansa at sinusundan ng marijuana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.