Keribeks job fair para sa Pinoy LGBT kasado na | Bandera

Keribeks job fair para sa Pinoy LGBT kasado na

Ervin Santiago - October 19, 2015 - 02:00 AM

korina sanchez

Ilulunsad ng United LGBT Of The Philippines (ULP), sa tulong ni Korina Sanchez-Roxas at ng kanyang top-rating Sunday magazine show na Rated K, ang kauna-unahang KeriBeks job fair sa Okt. 20 (Martes) sa SM North EDSA Skydome.

Ang buong araw na event na ito, na magsisimula ng 9 a.m. at magta-tapos ng 5 p.m., ay follow-up event sa KeriBeks National Gay Congress, na ginanap sa Araneta Coliseum nuong Agosto.

Ang KeriBeks ay brainchild ng ilang mga beki mula sa entertainment industry na galing sa iba’t ibang estado ng pamumuhay. Maaaring mara-ming pinagdaanan ang mga beking ito sa kanilang mga buhay ngunit nakaya pa rin nilang magkaroon ng magandang trabaho at itaguyod ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.

Si Korina ang unang tumulong sa pagbuo ng grupo at paglunsad ng unang major event nito sa unang konsepsyon pa lamang ng KeriBeks. Bukod sa “Handog Tsinelas Campaign” ng Rated K, ang KeriBeks ang isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Korina, sa suportado ng kanyang asawa, ang Presidential candidate na si Mar Roxas. “Malapit ang LGBT community sa puso naming mag-asawa,” sabi ni Korina.

“Halos 30 taon na ako sa industriya at hindi nawala sa tabi ko ang mga beki. Kasama ko sila sa hirap at ginhawa. Tinanggap nila ako ng walang hinihinging kapalit. Malapit talaga sila sa puso ko.

Alam ko ang mga pinagdadaanan nila. Para sa akin mga bayani sila dahil sinusuportahan nila ang kanilang mga pamilya, pinagaaral nila ang kanilang mga pamangkin, at they still manage to be fabulous.”

Bilang bahagi ng adbokasiya nito na i-empower ang LGBT community ng Pilipinas, ang 1st KeriBeks job fair ay bukas sa lahat ng lesbians, gays, bisexuals, at transgender men and women na naghahanap ng trabaho.

Magbibigay din ang Project Red Ribbon ng libreng seminar ukol sa HIV/AIDS awareness and prevention. Magtatapos ang event sa espesyal na pagtatanghal mula sa boy band na 1:43 at sa singing sensation na si Dessa.

Naghahanda din ang ULP sa isang serye ng mga event gaya ng isang livelihood program na magbibigay ng propesyunal na training at seminar para sa LGBT community at isang talent contest na pinamagatang May K Ka Ba? LGBT Got Talent.

Ang mga aplikante ay maaaring mag-register ng libre sa venue upang magkaroon ng pagkakataon na mag-apply sa humigit 50 kumpanya na lalahok sa job fair.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending