Robin kinampihan si Duterte: Hindi pa handa ang pinoy sa rebolusyonaryong pagbabago!
KINAMPIHAN ni Robin Padilla si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay sa naging desisyon nitong huwag nang kumandidatong pangulo sa 2016 elections.
Isa si Binoe sa mga local celebrities na nagsusulong noon sa kandidatura ni Duterte sa pagkapresidente sa 2016, personal pa niya itong pinuntahan noon sa Davao para hikayatin na tumakbo sa susunod na eleksiyon.
Pero hanggang sa huling araw ng pagpa-file ng certificate of candidacy noong Biyernes, nabigo ang mga tagasuporta ng dating alkalde sa kanilang ipinaglalaban. Marami ang nalungkot at na-disappoint sa desisyon ni Duterte.
Ngunit ipinagtanggol naman ni Robin si Mayor Duterte, naniniwala raw siyang hindi pa handa ang mga Pinoy sa “rebolusyong” isinusulong ng matapang na politiko kaya maaaring tama rin ang naging desisyon nitong huwag munang sumabak sa pagkapangulo.
Sa kanyang Facebook at Instagram account, ipinaliwanag ng mister ni Mariel Rodriguez kung bakit ganu’n ang ginawa ni Duterte. “Ang mga tunay na rebolusyonaryo ay hindi mapipilit sa mga bagay na alam niyang MALI, at tunay na mahihirapan na makilahok.
“Mayor Duterte/El Cid has no problem with being president if he wants, the truth and the problem is the People who are pushing him to run, obviously they do not know him, not even an IDEA of the drastic change he is talking about.
“We cannot achieve change because of anarchy, we have tried that and again and again. “Mayor Duterte believes in the Revolution and the Filipino people are not ready.
What is revolutionary government? When the existing government is overthrown by a completely new group. The new group…!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.