‘Pacman magboksing ka na lang, tantanan mo na ang politika!!!’
PALABAS na kami ng DZMM lobby nu’ng isang gabi nang biglang may dumating na mamahaling sasakyang puti – dali-daling naglabasan ang mga bodyguards and mga alalay na mabilis bumukas sa pinto ng amo nilang sakay.
Naka-pink polo at nagmamadaling pumasok si Manny Pacquiao na tila humahabol sa isang natanguang TV guesting. Very VIP ang trato ng lahat ng Pacman – everyone was on their toes sa kaniyang pagdating.
And mind you, reason why he was rushing was because he will guest in a TV program that will tackle his candidacy for senator. Sabi nga ni Pacman sa isang interview sa kaniya recently, “Ang paghahain ko ng COC (certificate of candidacy) bilang senador ay pagsumpa ko sa masang Pilipino ng isang bagong simulain.
Hayaan ninyong pagsilbihan ko kayo bilang inyong kamao sa paglaban sa suliranin lalo na ng mga mahihirap. “Sa araw na ito, si Manny Pacquiao ay nasa harapan ninyo, tumutugon sa hamon na lumaban muli, hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa inyo, masang Pilipino.”
Ganda ng mga linya niya, ’no? Ang tanong, totoo ba itong mga pangako niyang very general na ay halatang scripted naman. Tara’t tilad-tilarin natin ang paborito ninyong kongresista ng Saranggani na si Manny Pacquiao.
Ilang beses nga lang ba nakasipot si Pacquiao sa sessions nila sa Kongreso the whole year? Apat lang, di ba? Anong pagsisilbi ang pinagsasabi ng lolo ninyo? Anong sinasabi niyang kaya siya tumatakbo para sa kapakanan ng Masang Pilipino? Gamit na gamit palagi ang masang Pilipino sa mga linya ng mga lintek na pulitikong ito.
Anong “para sa kapakanan ng mahihirap” itong pinagsasabi ni Pacquiao eh sila lang naman ni Jinkee ang nagpapayaman gamit ang taumbayan. Sabihin pa nilang galing sa pagboboksing ang yaman nila pero gamit din nila ang buong sambayanan para mag-cheer para sa kaniya at para ipagdasal na manalo siya.
Alam niyo naman ang mga Pinoy, hindi mapagningil ng utang na loob. Naghihintay lang naman ang mga iyan na maambunan at siyempre, sino lang ba ang nakikinabang sa yaman ni Manny? Natural, ang mga taong nakapaligid lang sa kaniya.
Kaya anong pinagsasabi niyang magsisilbi siya para lutasin ang kahirapan ng bawat mahihirap na Pilipino. Why can’t he just concentrate sa boxing niya or what kesa mangako nang mangako sa taumbayan ng pagsilbing hindi naman niya nagagampanan.
Magandang soundbyte ang, “ako ang inyong kamao sa laban ninyo sa kahirapan” or something to that effect? What can he truly offer sa mga constituents niya? Hindi sapat na makapag-abot ka ng konting tulong sa kanila para masabing matino kang pulitiko – you have to put your mind and soul to it.
You have to be present sa sessions at katulong ka dapat sa paggawa ng batas para sa ikabubuti hindi lang ng mga nasasakupan mo bagkus sa pangkalahatan. Unfair naman sa ibang mga kongresistang sila lang ang palaging dumadalo and you are excused palagi dahil may laban ka.
Kung tunay mong gustong maglingkod, mag-focus ka. Kung mahahati pa rin sa boksing ang oras mo, itigil mo na ang pulitika. Tsaka na, pag may sapat na oras ka na.
Marami ang disappointed sa patakbo ni Manny sa Saranggani – many people in the know say. Hindi lang nila makanti si Pacquiao dahil takot silang balikan sila ng milyon-milyong nakikisimpatiya sa kaniyang kasikatan.
Puro na lang siya boksing, puro na lang siya pagpapayaman pero ang tunay na sinumpaan niyang magsilbi ay hindi naman niya nagagampanan kaya please lang po, Pacman, huwag mo nang gamitin ang taumbayan sa linyang hindi mo naman kayang panindigan.
Magaling ka lang sa pangako pero pag nakaupo ka na, wala ka namang naibibigay na oras at puso para sa amin. Ngayon ay pagka-senador pa ang itinatakbo mo – paano na ang mga anak naming aasa sa isang tulad mo?
Araw-araw na kaming nakikipagsagupaan sa hirap ng buhay – araw-araw kaming nakikipagboksing sa totoong mundong kinakaharap namin kaya pakibigay na lang sa iba ang puwestong iyan. Huwag mo na kaming bolahin, puwede?
Si Pacquiao bilang kongresista? Ano ba talaga ang alam niya sa paggawa ng batas? Hindi sa minamaliit natin ang kakayahan ng isang katulad niya pero siya ba talaga ay karapat-dapat maging ama ng bayan natin?
Puro boksing lang naman ang alam niyan, di ba? Hindi naman siya ang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas na likha niya kungdi ang mga taong binabayaran niya, di ba? Pag ang isang tao ay tumatakbo bilang kongresista, dapat may alam ito sa batas, nakapag-aral ng abogasiya or may sapat na alam sa legalidad.
Hindi ba nahiya si Pacquiao na ang tanging pasaporte niya for winning ay ang kasikatan niya bilang boksingero? Iaasa na lang ba natin ang kinabukasan ng ating mga anak sa isang boksingerong gahaman sa kayamanan tulad ni Pacman?
Maawa naman tayo sa ating mga sarili, let’s VOTE WISELY naman. Inuulit ko, pag nanalo si Manny Pacquiao sa Senado, isang malaking kabobohan talaga ito! Agree?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.