Piolo naniniwala sa destiny, babalikan si Shaina
NANINIWALA si Piolo Pascual sa destiny – kaya kung sila raw talaga ni Shaina Magdayao ang para sa isa’t isa, mangyayari at mangyayari ito ayon sa kagustuhan ng tadhana.
Kung matatandaan napaulat noon na nililigawan ng Kapamilya leading man si Shaina pero tila naudlot ito hanggang sa mamatay nang tuluyan ang isyu sa kanila ng sister ni Vina Morales.
Kaya sa nakaraang presscon ng kanyang taunang SunPiology Run, natanong si Piolo kung totoo bang pinopormahan niya uli si Shaina dahil kumalat ang balitang pinadalhan niya ito ng flowers pagkatapos ng Star Magic Ball.
Inamin naman ito ni Piolo, pero nilinaw niya ang rason ng pagbibigay niya ng bulaklak sa dalaga, “Yes nagpadala ako ng flowers for her. Pasasalamat ko yun sa kanya kasi for the past four years siya ang ka date ko sa Star Magic Ball and nagpapasalamat ako sa kanya doon.”
Ang sumunod na tanong naman kay PJ ay kung may nagaganap nang something sa pagitan nila ni Shaina at inililihim lang nila sa publiko, “I believe in destiny. I believe in whatever is possible.”
Samantala, inamin naman ni Piolo na nagiging vain lang siya dahil kailangan sa kanyang trabaho. Actually, hindi nga raw siya mahilig pumunta ng salon para magpagupit.
“Kung pwede nga lang la-ging magpahaba ng buhok…kasi tamad talaga akong pumunta ng salon or barber shop. Kailangan lang talaga dahil nga sa work. Napipilitan din akong magpa-salon para magpatina, kasi nakikita na rin yung mga white hair ko,” natatawang kuwento ni PJ.
Hindi rin daw siya matagal magbanyo, sa katunayan, mabilis lang siyang maligo at walang masyadong seremonyas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.