Wowowin ni Willie sa GMA magiging araw-araw na sa 2016 | Bandera

Wowowin ni Willie sa GMA magiging araw-araw na sa 2016

Cristy Fermin - October 07, 2015 - 02:00 AM

willie revillame

‘Yung episode ng Wowowin nu’ng nakaraang Linggo ang pagsisimula na ng pakikipag-co-production ng WBR Productions ni Willie Revillame sa GMA 7.

Malaking kagaanan ‘yun para sa aktor-TV host dahil hindi na niya sinosolo ang lahat ng gastusin sa bawat episode ng kanyang programa. May kahati na siya sa gastos at sa kita na rin ng show.

Maraming nakapansin sa punumpuno niyang commercials, halos konti na lang daw ang talking time ni Willie, pero ikinaliligaya ‘yun ng kanyang mga tagahanga na alam na alam ang katotohanan na kapag walang patalastas o sponsors ang isang show ay nalalagay ‘yun sa sangkalan ng network para patayin na.

Maganda ang tiyempo ng pagbabalik ni Willie pagkatapos nang mahigit na isang taon ng pamamahinga. Natiyempo siya sa kasiglahan ng network, sa isang panahong mataas ang pagsuporta ng publiko sa mga programa ng istasyon, maganda ang kanyang pagbabalik sa himpapawid.

Wala pang AlDub nu’n, wala pa rin ang Sunday PinaSaya, pero mula nu’ng May 10 nang magbalik siya ay palagi nang nananalo sa rating ang kanyang Wowowin.

Kapag hindi nagbago ang mga plano, sa mga unang buwan ng susunod na taon ay makakasama na si Willie araw-araw ng kanyang mga tagasuporta, magde-daily na ang Wowowin na matagal nang hinihiling ng kanyang mga tagahanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending