4-na-taong gulang na paslit patay sa 8-taong-gulang na ate matapos mabaril ng sumpak | Bandera

4-na-taong gulang na paslit patay sa 8-taong-gulang na ate matapos mabaril ng sumpak

- October 04, 2015 - 03:59 PM

qc
NAMATAY ang 4-na-taong-gulang na batang babae matapos siyang aksidenteng mabaril ng kanyang 8-taong-gulang na kapatid na babae habang naglalaro sila sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City noong Sabado ng hapon.

Sinabi ng pulisya namatay ang 4-anyos matapos mabaril sa dibdib ng kanyang ate habang naglalaro sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bagbag, Novaliches.

Ayon sa imbestigador na si PO2 George Caculba na nakarinig ng isang putok ng baril ang amain ng dalawang bata sa loob ng kanilang barung-barong sa ganap na alas-2:30 ng hapon habang abala siya sa pagsusulat sa kabilang kuwarto.

Aniya, nang tinignan ng lalaki ang magkapatid,  nakita niyang nakahandusay sa sahig ang biktima at hawak-hawak pa ang dibdib, samantalang nakatayo ang kapatid sa isang bahagi ng kuwarto at hawak ang isang sumpak.

Idinagdag ni Caculba na nadala pa ng amain ang biktima sa Nova District Hospital at pagkatapos ay saQuezon City General Hospital, ngunit nalagutan naman ng hininga ang bata tatlong oras pagkatapos ng insidente.

Hindi pa narerekober ng mga otoridad ang baril na nakapatay sa biktima.

Sinabi pa ni Caculba na tikom ang bibig ng pamilya ng biktima kung paano napunta sa mga bata ang baril.

Idinagdag ni Caculba na wala namang isinampang kaso sa bata, at inendorso na ang kaso sa women’s desk at social welfare office.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending