LRT-1, LRT-2, MRT-3 gagamit na ng isang ‘beep card’ simula Okt. 3
MAAARI nang gamitin ang bagong lunsad na “tap and go” ticketing system o mas kilala bilang “beep card” sa Light Rail Transit line 1 at 2 at the Metro Rail Transit (MRT)-3 simula Sabado.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na sisimulan na ng MRT-3 anf paggamit ng beep card sa lahat ng istasyon nito simula Oktubre 3.
“The recently-launched beep cards and the new tap-and-go ticketing system will be activated at all MRT-3 stations this Saturday, October 3,” sabi ng DOTC.
Kampante ang DOTC na magreresulta ito sa mas maikling panahon para sa pagpila ng mga pasahero.
Para makagamit ng beep card, kailangang bumili ng kard, na nagkakahalaga ng P100 na may inisyal na load na P80.
Maaari ring magpa-load ang mga pasahero ng P11 hanggang P10,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.