Alan Cayetano: Tatakbo ako sa pagka-bise presidente
NAGDEKLARA ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente si Senate majority floor leader Alan Peter Martes ng umaga
Ginawa ni Cayetano, miyembro ng Nacionalista Party, ang pag-anunsyo ng kanyang kandidatura sa Mindanao.
Bukas ay nakatakda namang ideklara ng Liberal Party ang running mate ni Mar Roxas na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Noong isang linggo, nagdeklara na si Senador Chiz Escudero bilang vice presidential running mate ni Senador Grace Poe.
Una na ring nagpahayag si Nacionalista Party (NP) stalwart Antonio Trillanes IV na nais din niyang tumakbo sa pagka-bise pangulo, at maging ang kanilang partymate na si Senador Bongbong Marcos ay nagpahayag na nais tumakbo sa mas mataas na posisyon sa nalalapit na halalan.
Ginawa ni Cayetano ang deklarasyon kahit wala umano itong suporta mula sa partidong kanyang kinabibilangan, at kahit wala siyang katandem sa pagkapangulo.
Una nang naiulat na si Cayetano ay isa sa mga pinagpipiliang itambal kay Roxas, bagamat una na niyang inalok ang kanyang sarili para makapareha ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung sakaling ito ay tatakbo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.