Sheryl binara ng kampo nina Chiz at Grace
Nananaginip raw ba ng gising si Sheryl Cruz? ‘Yan ang tanong ng mga supporter ni Sen. Grace Poe matapos itong magdadakdak tungkol sa pagtakbo ng kanyang pinsan sa 2016 presidential elections.
Chika ng mga kakampi ni Sen. Grace, saan daw kaya pinagkukuha ni Sheryl ang impormasyong ipapa-DNA test siya at ang kaniyang inang si Rosemarie Sonora upang mahanap ang totoong magulang ng senadora?
Mismong ang running mate ni Grace na si Sen. Chiz Escudero ang nagsabing walang katotohanan ang akusa-syon ng aktres na pinipilit siya at ng kaniyang ina na magpa-DNA test upang mapatunayan kung totoo ang tsismis na anak si Grace ni Rosemarie at ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ilang beses nang idinenay ni Grace at ng mga Marcoses ang nasabing tsismis na kumalat noon pang dekada 70. Sinabi ng kampo nina Grace at Chiz na ang kukunan ng DNA sample ay ang mga posibleng kamag-anak ni Grace sa Jaro, Iloilo kung saan siya napulot noong 1968.
“No. Not from Senator (Bongbong) Marcos or Rosemarie Sonora nor from Sheryl Cruz. As she (Grace) said, it is from a person that they believed, based on stories told in Jaro, Iloilo might be her father or her brother as the case maybe,” ani Chiz sa isang panayam.
Kung matatandaan walang takot na ipinagsigawan ni Sheryl ang umano’y panggigipit sa kaniya at sa kaniyang ina upang magpa-DNA test para mahanap ang totoong parents ni Grace.
Nakiusap pa nga ito na huwag nang idamay ang kanyang ina at ang kanyang pamilya sa ambisyon ni Grace na maging pangulo. Si Grace ay inampon ni Da King, Fernando Poe, Jr., at asawang si Susan Roces na kapatid naman ni Rosemarie.
Bukod dito, itinanggi rin ng dating manager ni Sheryl na si Rams David na may gumipit at nangharas sa kanya para bitiwan ang pagma-manage sa aktres.
Sinabi ni Rams na ang pagbibitiw niya bilang manager ni Sheryl ay bunsod ng hindi pagkakaintindihan sa dati niyang alaga tungkol sa takbo ng career ng aktres at walang kinalaman kay Grace.
Pinasinungalingan rin ng mga talent managers na sina Dolor Guevarra at ng presidente ng Professional Artists’ Managers, Inc. o PAMI na si June Rufino ang mga pahayag ng aktres na may pressure kay Rams para bitawan ang pamamalakad sa career ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.