Makakaahon pa ba sa kahirapan? (2) | Bandera

Makakaahon pa ba sa kahirapan? (2)

Joseph Greenfield - September 29, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Delia Sinabuagan, Valencia City, Bukidnon
Problema:
1. Ako ay isang ginang ng tahanan na may apat na anak habang ang mister ko naman ay sa konstraksyon lang nagta-trabaho, kaya lagi kaming kapos sa pang araw-araw na pangangailangan. Upang wag kapusin at u-pang kami ay makaraos kung saan-saan ako na-ngungutang kaya sa ngayon baon kami sa utang.

2. Sa ganitong sitwasyon ng buhay namin, masipag naman ako maglabada at nagtitinda din ako ng kung ano-anong produkto sa palengke kapag walang nagpapalaba, may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan at makabayad sa mga pagkakautang? November 17, 1985 ang birthday ko at June 23, 1981 naman ang mister ko.

Umaasa,
Delia ng Bukidnon
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Cancer naman ang mister mo ay nagsasabing tugma at compatible kayo. Ibig sabihin basta’t nanatili lang kayong nagmamahalan, nagkakasundo at nagsisikap, darating ang araw makaka-aahon din kayo sa kahirapan at maka-kabayad sa iyong mga pagkakautang.

Numerology:
Ang birth date mong 17 at 23 naman ang mister mo ay nagsasabing, kapag tuluyan na kayong lumayo sa sinilangan nyong bayan o nag-iba kayo ng tirahan, tulad ng naipaliwanag na, sa malayong lugar kayo uunlad at makaka-ahon sa kahirapan.
Luscher Color Test:
Upang palarin sa paghahanap ng mapapasukan sa malayong lugar o kaya’y pagnenegosyo sa malayong lugar, lagi kayong magsuot at gumamit ng kulay na berde, pula at dilaw. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magpapaganda at magpapabuti ng inyong kaparalan.

Huling payo at paalala:
Delia ayon sa inyong kapalaran, dapat ka ngang mag-trabaho habang si mister naman ay dapat na magnegosyo, o kaya naman’y pareho kayong magnegosyo. Ngunit sa ngayon ay hindi nyo pa magagawa iyan, dahil wala sa sariling bayang sinilangan ang suwerte at magandang kapalaran. Sa halip, tulad ng naipaliwanag na sa Cartomancy at Palmistry, sa sandaling nangyari ng lumayo na kayo sa sinilangan nyong bayan. Sa malayong lugar, tiyak ang magaganap, doon na nga makakamit ang malaking suwerte, ang tagumpay at ang pag-unlad ng inyong pamilya, hanggang sa tuluyan na kayong yumaman na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2026 sa edad mong 41 pataas at 45 naman si mister.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending