Regine ayaw mag-endorso ng Presidential candidate sa 2016
HANGGA’T maaari ay ayaw ma-involve ni Regine Velasquez sa usaping politika.
Sa ginanap na presscon ng susunod na major concert ng Asia’s Songbird, ang “Regine…At The Theater” ay mariin niyang pinabulaanan na may ie-endorse na siyang presidentiable.
Isa ang pangalan ni Regine at ang asawang si Ogie Alcasid sa mga local celebrities na dadalo sa ginawang proklamasyon ni Sen. Grace Poe ng kanyang kandidatura sa pagka-presidente para sa 2016. Pero hindi naman sila nakita roon.
Sa nasabing presscon natanong ang Songbird kung may napipisil na silang kandidato sa 2016 elections , “Kung saan yung asawa ako (doon ako). But right now, it’s too early to say. As much as possible, I don’t wanna get involved.”
Pero papayag ba siyang umapir sa mga political TV commercial kung ma kukuha sa kanyang kandidato, partikular na sa mga presidentiable? “Hindi naman talaga ako nag-e-endorse.”
Dagdag pa ni Regine, sensitibong usapin ang politika kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang nagkokomento tungkol dito, pero aniya alam naman niya kung ano ang kanyang mga responsibilidad bilang botante.
Samantala, ayon sa Songbird, ang kanyang” Regine…At The Theater” concert ay ang level-up version ng ginagawa niyang “Regine… At The Mall” series ng ine-endorse niyang PLDT Home (Regine Series landline phones).
Ito’y gaganapin sa The Theater ng Solaire Resort & Casino sa Nov. 6, 7, 20, at 21. Kuwento ni Regine, ibang-iba naman ito sa mga nakaraan niyang concert.
Dahil nga sa The Theater ito gagawin, karamihan sa mga kakantahin niya ay mula sa mga sikat na musical play, “It’s a different concept, tsaka marami akong songs dito na hindi ko pa talaga nakakanta, so big challenge rin for me.
And excited ako du’n sa part na may konting acting. We plan kasi to do some excerpts sa mapipili naming play.” Anyway, todo naman ang pasasalamat ng mga executives ng PLDT Home kay Regine dahil talaga raw tumaas ang sales ng kanilang landline dahil sa sipag ng Asia’s Songbird sa free concerts na kanilang i-binibigay sa publiko.
Sa katunayan, dalawang beses daw nag- out of stock ang Regine Series landline phones dahil sa dami ng mga bumibiling PLDT subscribers. Sey naman ni Regine, naniniwala siya na talagang maganda ang quality ng nasabing produkto kaya mabenta, se-condary na lang ang pagiging endorser niya nito.
Kaya naman all-out din ang support ng PLDT Home sa next major concert ng Songbird, sabi nga ni Gary Dujali, PLDT VP and Home Marketing Head, “With no less than the Asia’s Songbird as our ambassador for our campaign, it was only fitting to shine the spotlight on her by letting he do what she does best – delight audiences with her remarkable live performances.
We look forward to sharing more of these musical experiences with our subscribers.” For free tickets, visit pldthome.com/landline. Natanong din si Regine tungkol sa pagiging judge niya sa StarStruck 6 ng GMA aling with Joey de Leon, Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes na siya ring main host ng reality artista search.
Tuwing Friday nagkakaroon ng live elimination ang show. Inamin ni Regine na hindi ganu’n kadali ang mag-judge sa isang bonggang artista search, “Ay, mahirap, akala ko madali lang! Akala ko pupunta ako ng Friday, magpapaganda ako, hindi pala.
“It’s very difficult to judge kasi that’s the whole week of activities na ginagawa nila, madami, e. May acting sila, may singing. Tapos parang every day, paiba nang paiba, palalim nang palalim yung mga roles, challenges, pabigat nang pabigat.
“Well, at least for me, I find it a little difficult to judge. First of all, ang dami mong kailangang i-judge, so nakakalito. But one thing I can say is all of them have potentials. They do,” pahayag pa ng nag-iisang Songbird.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.