Billy hataw sa ABS, buong linggong kumakayod | Bandera

Billy hataw sa ABS, buong linggong kumakayod

Reggee Bonoan |September 26,2015
facebook
share this

Billy hataw sa ABS, buong linggong kumakayod

Reggee Bonoan - September 26, 2015 - 02:00 AM

billy crawford

Mukhang paborito si Billy Crawford ng ABS-CBN dahil kaliwa’t kanan ang project niya ngayon kaya masasabing puro mukha niya ang napapanood sa Kapamilya network sa loob ng isang linggo.

Mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali ay napapanood siya sa It’s Showtime at pag Sabado at Linggo ng gabi ay meron siyang Your Face Sounds Familiar. At heto, nadagdag pa ang programang Celebrity Playlist na mapapanood tuwing Sabado bago ang Home Sweetie Home.

Kaya sa araw ng Sabado ay tatlong beses mapapanood si Billy sa telebisyon. Tinanong namin ang business unit head ng bagong game show na si Lui Andrara kung bakit si Billy ulit ang kinuha nila.

“E, kasi siya ‘yung bagay sa show, makulit, masayahain, marunong sa mechanics at very articulate. Bihira kasi ‘yung host na hindi magaling sa mechanics kasi kapag lito ang host.

Saka alam naman natin kung gaano kaga-ling si Billy,” sabi sa amin. Nabanggit din ni Lui na original concept ito ng ABS-CBN at hindi franchise at sana raw maging maganda ang pagtangkilik dito ng viewers para magustuhan din sa ibang bansa at sila naman ang bumili ng franchise para hindi na lang parating Pilipinas ang bili nang bili.

Kuwento ni Lui nang makausap namin ng one-on-one, “Parang na-realize namin, ‘Bakit hindi tayo mag-isip ng isang programa na puwede nating magamit at mai-share sa audience ang nabibigay nila?’

Kasi, di ba, sa mga ganitong mga panahon na maraming problema, maraming issues, parang iba talaga yung naibibigay ng mga programang masaya lang sa viewers kasi nakakalimutan nila yung problema nila.”

Ngayong gabi na ito magsisimula at sa unang episode ay ang Your Face Sounds Familiar Season 1 contestants ang sasalang kabilang na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman na siyang makakalaban ng Deal Or No Deal stars na sina Long Mejia, Eric Nicolas, Dennis Padilla at Epy Quizon.

Nang natanong si Billy tungkol sa bago niyang programa at pati na rin sa tumitinding kumpetisyon ng Showtime at Eat Bulaga, “Honestly, I just try to do the best I can as a host, I really don’t think of any competition. Not being overconfident or anything, I just want to concentrate on my part, sa trabaho.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending