MAGKASAMANG dumulog sa Bantay OCW sina Rina at Connie mula sa Pa-ngasinan upang humingi ng tulong hinggil sa mga problema nila sa kanilang mga mister na matagal na nilang tinitiis.
Parehong nasa Saudi Arabia ang kanilang mga asawa. Magkumpare ito sa kanilang probinsiya.
Nagkayayaang mag-abroad at mahigit tatlong taon nang nagtatrabaho doon. Pareho ring hindi pa umuuwi ng bansa, kahit magbakasyon lamang.
Mula sa simula, paminsa-minsan lang kung magpadala ng kanilang suportang pampinansiyal ang kanilang mga mister. Tinagurian nga nila itong patay-sindi. Minsan mayroon, minsan naman wala.
Dahil naging maluwag din sina Rina at Connie kung kaya’t nasanay siguro ang magkumpare sa kanilang nakagawian.
Tatlo ang anak ni Rina, dalawa naman ang kay Connie. Natuto silang maghanapbuhay ng kahit ano na lamang para lang may pagkain sa mesa.
Ganyan nga talaga ang ina—magsasakripisyo hanggang sa puntong kahit hindi na kaya ay kinakaya pa. Gagawin ang lahat dahil hindi kayang tiisin na magutom ang mga anak.
Iyan siguro ang mala-king pagkakaiba ng ina sa mga ama. Ngunit hindi rin naman natin lalahatin dahil may mangilan-ngilan ding ina na nakatitiis sa kanilang mga anak.
Ngunit sa kaso ng magkumpareng ito, talagang natiis nila ang kani-kanilang pamilya.
Kwento ng dalawang ginang, maigi pa noong hindi nag-aabroad ang dalawa ay hindi sila naghihirap, kumpara ngayon.
Diretsahang tinanong ng Bantay OCW kung mayroon na bang ibang pinagkakaabalahan ang kanilang mga asawa sa Saudi? Sabay pa silang sumagot ng malakas na “oo”.
May kanya-kanyang babae na pala ang kanilang mga asawa doon. Hindi lang sila sigurado kung may mga anak na rin ang mga ito.
Hindi naman umaasa pa sina Rina at Connie na babalik pa ang kanilang mga asawa lalo pa’t may i-pinaliit na sa kanila ang mga ito.
Ang gusto lang nila ay suportahan na lang ng mga ito ang kanilang mga menor-de-edad na mga anak.
Iyan ang palaging nakalulungkot na kwento ng pag-aabroad ng ating mga OFW.
Ang pamilyang dapat sana’y siyang pinaglalaanan ng kanilang mga pagsasakripisyo ay siyang nagdurusa.
Nawalan na nga ng kabuhayan, nawalan pa ng ama ang kanilang tahanan.
Gayunpaman, napakalaki ng papel ng ina kapag dumarating na sa ganitong situwasyon. Dahil anuman ang mangyari sa pag-aabroad ni mister, na-ging matino o nagluko man ito, kailangang saluhin agad ng maybahay ang obliga-syong tinalikuran nang asawa.
Wala rin namang police power ang ating embahada sa abroad upang papanagutin sa kanilang pagpapabaya sa pamilya at ipakulong ang mga iyon dahil hindi sakop ng batas ng Pilipinas ang bansang kinaroroonan nila.
Ayon sa dalawang misis, tanggap na nila ang pagtataksil ng kanilang mga mister. Hiling na lang nila ngayon ay regular na magpadala ang mga ito ng sustento sa kanilang mga anak.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0927.649.9870
Website: bantayocwfoundation.org
E-mail: [email protected]/ [email protected]
Bantay OCW Foundation satellite office: 3/F, 24H City Hotel, 1406 Vito Cruz Extension cor. Balagtas St., Makati City Tel: +632.899.2424
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.