Natalo raw sa sugal, mister minasaker ang pamilya | Bandera

Natalo raw sa sugal, mister minasaker ang pamilya

John Roson |September 22,2015
facebook
share this

Natalo raw sa sugal, mister minasaker ang pamilya

John Roson - September 22, 2015 - 02:31 PM

MATAPOS matalo sa sugal, ibinunton ang galit ng isang mister sa kanyang misis at apat na anak. Dahil dito napatay ng isang mister ang kanyang misis at dalawa nilang anak habang dalawa pang supling ang nasugatan matapos niyang pagsasaksakin ang mga ito Martes ng umaga sa San Pedro City, Laguna. Nasawi si Gemmalyn Bederio, 30, at mga anak na sina Shantal Mae Marana, 4, at Jhoniel Marana, 6 buwan, sabi ni Senior Supt. Florendo Saligao, direktor ng Laguna provincial police. Sugatan ang dalawa pang mga anak na sina Jhonuel Marana, 3, at Janjan Marana, 2. Ang suspek na si Ruel Marana, 31 ay sugatan matapos magtangkang magpakamatay matapos imasaker ang mag-iina. Naganap ang insidente sa bahay ng mag-anak sa Brgy. Riverside dakong alas-4:30. Nagwala si Ruel matapos makipagtalo kay Gemmalyn, at pinagsasaksak ang misis at apat na anak gamit ang isang kutsilyo, ani Saligao. Kadarating lang noon ni Ruel mula sa isang lamay at mainit ang ulo dahil natalo sa pagsusugal, ayon naman sa isang ulat sa radyo. Isinugod sa Narra Hospital ang apat niyang anak, pero di na umabot nang buhay sina Shantal Mae at Jhoniel. Inilipat na sa Philippine General Hospital sina Jhonuel at Janjan para sa karagdagang lunas, ani Saligao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending