GMA 7 nagsampa ng bagong reklamo sa NTC laban sa Skycable | Bandera

GMA 7 nagsampa ng bagong reklamo sa NTC laban sa Skycable

Ervin Santiago - September 22, 2015 - 01:52 PM

gma vs sky cable

MULING nagsampa ng reklamo ang GMA Network laban sa SkyCable sa National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay ng mga bagong hinaing ng mga manonood hinggil sa pagkawala ng signal ng GMA bago umere ang Eat Bulaga o ang Kalyeserye (AlDub) segment nito.

Sa isang liham na ipinadala nina GMA Senior Vice President for Engineering Engr. Elvis B. Ancheta at GMA Vice President for Legal Affairs Atty. Lynn P. Delfin noong Sept. 17, 2015, pinanindigan ng Kapuso Network na ang signal disruptions ay maituturing na “irresponsible acts” sa parte ng SkyCable.

Sinabi rin ng Kapuso Network na ang tila pagkakahalintulad ng mga nasabing insidente tuwing eere ang Eat Bulaga ay hindi masasabing “isolated cases.”

 Sinabi rin ng Network sa kanilang liham na kapansin-pansin na tanging SkyCable Channel 12 [GMA-7] lamang ang nawawalan ng signal, dahilan upang paniwalaan na ang mga signal disruptions ay isinasagawa upang maapektuhan ang mataas na ratings ng GMA/Eat Bulaga na milyun-milyon ang nakatutok araw-araw. Nitong nakaraang Sabado, buong bansa muli ang kinilig nang maganap ang “first date” nila Alden Richards at Yaya Dub na inabangan din ng mga GMA Pinoy TV subscribers abroad. Katunayan ay muling gumawa ng bagong record sa Twitter ang AlDub dahil sa mahigit 12 million tweets na naitala gamit ang hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate sa loob lamang ng isang araw. Sa bago nitong reklamo, isinumite ng GMA ang mga reports na nakalap sa pamamagitan ng email, Facebook at GMA hotline mula Sept. 1 hanggang 8, 2015 kabilang ang mga sumusonod: “Hi. cherie here. Ang gma dito sa bangkal Makati as of 7:00am. Naputol ang signal. as in freeze ang channel 12 gma. PLS HELP! Manonood ako ng eat bulaga (mula kay[email protected] noong September 5, 2015).” “Good day GMA, Kahapon po, during EB nagloloko n po ung signal. Nawawala wala at gumagalaw ung image. Then nung nagkalyeserye na. Nagiging blank n po. Pati po ung mga kapitbahay namin. Dito po kami sa Malolos, Bulacan. We are using Skycable. Sana po maayos ito nang makapanood kami ng Eat Bulaga ng maayos. Tnx and more power (mula kay [email protected] noong September 5, 2015).” Isinama rin ng GMA ang kopya ng isang video kung saan makikita ang kawalan ng signal ng GMA sa SkyCable Channel 12 sa oras ng Eat Bulaga noong September 10, 2015, habang ang katapat nitong programa sa ABS-CBN ay mapapanood pa rin sa Channel 8 na tinawag ng complainant na “sinasabotahe ng SkyCable.” Muling hiniling ng GMA na imbestigahan ng NTC ang mga nasabing reklamo ng SkyCable subscribers at bigyan ng karampatang administrative action ang kanilang cable provider. Nauna nang magsampa ng reklamo ang GMA laban sa SkyCable noong August 25, 2015 dahil sa parehong kadahilanan.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending