Mga gwardya na-shock sa mall show ng JaDine | Bandera

Mga gwardya na-shock sa mall show ng JaDine

Reggee Bonoan |September 20,2015
facebook
share this

Mga gwardya na-shock sa mall show ng JaDine

Reggee Bonoan - September 20, 2015 - 02:00 AM

james reid

Nakabibingi ang mga hiyawan ng mga nanood ng On The Wings Of Love noong Huwebes dahil finally, nag-kiss na sina Clark (James Reid) at Lea (Nadine Lustre) na matagal nang hinihintay ng viewers.

Imagine, halos isang buwang nabitin ang mga tao sa kahihintay sa most awaited kissing scene ng dalawang bida na talagang laging nagte-trending sa social media at umabot pa sa 2 million tweets ang isang episode nila na may hashtag na #OTWOLMost ApprovedKiss.

At dahil sa Most Approved Kiss episode na ito ay nakamit ng On The Wings Of Love ang national TV rating na 24.8%, ito na ang pinakamataas na rating ng show ngayong buwan.

Anyway, as early as 8 a.m. ay marami nang nakapila sa Fairview Terraces mall kahapon para sa signing of scrap book nina James at Nadine na sadyang ginawa ng ABS-CBN Publishing para sa kanilang supporters.

Hilong talilong nga ang mga guwardya ng mall dahil hindi nila ini-expect na ang aga-agang dumating ng mga tao considering na alas-3 pa ang event nina Clark at Lea.

Hindi siguro na-anticipate ng management na dadagsain ng napakaraming fans ang nasabing event. Ang sabi namin dapat sa open field na lang ginawa ito pero ang hirit ng aming source, “E, paano kung umulan?” na may point din naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending