Kalat na: Claudine inggit sa mga bonggang damit ni Kim | Bandera

Kalat na: Claudine inggit sa mga bonggang damit ni Kim

Reggee Bonoan |September 17,2015
facebook
share this

Kalat na: Claudine inggit sa mga bonggang damit ni Kim

Reggee Bonoan - September 17, 2015 - 02:00 AM

claudine barretto

Speaking of “Etiquette For Mistresses”, how true na may isyu si Claudine Barretto kay Kim Chiu? Inirereklamo raw nito kung bakit mas maganda ang mga suot ng chinita actress kaysa sa kanya sa mga eksena nila sa pelikula?

Indirect naming narinig na nag-attitude na naman daw si Claudine kasi nga feeling niya ay mas inaalagaan ng wardrobe department si Kim kaysa sa kanya at sa iba pang bida ng movie kabilang na sina Kris Aquino at Iza Calzado.

Bukod dito nagseselos din daw si Claudine kay Kim dahil mas close ito kay Kris. Susme, hindi na tinatanong iyon dahil talagang mas close sina Kris at Kim dahil matagal na silang magkaibigan at parati ngang co-host sa Kris TV ang huli.

Sana wala ng isyu si Claudine kung totoo nga itong nakarating sa aming balita para masundan pa ang project niya.

Samantala, ngayon palang ay marami na ang nag-aabang sa pelikula kaya nga running joke ngayon sa social media na mas gusto pa raw panoorin ang pelikula ng mga kabit kaysa sa matitinong pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending