Beauty Gonzales 5 buwang buntis, biglang tsinugi sa seryeng Ningning | Bandera

Beauty Gonzales 5 buwang buntis, biglang tsinugi sa seryeng Ningning

Reggee Bonoan - September 11, 2015 - 02:24 PM

NORMAN CRISOLOGO AT BEAUTY GONZALES

NORMAN CRISOLOGO AT BEAUTY GONZALES

Kung kailan na-extend ang seryeng Ningning sa ABS-CBN ay saka naman mawawala ang karakter ni Beauty Gonzales na gumaganap bilang nanay ng magaling na child star na si Jana Agoncillo sa kuwento.

Yes bossing Ervin, anytime now ay hindi na mapapanood si Beauty sa Ningning dahil limang buwan na pala siyang buntis courtesy of her businessman boyfriend Norman Crisologo na mas matanda sa kanya at isang art collector.

Una itong lumabas bilang blind item. Ayon sa mga nasulat, isang aktres daw na kasama sa isang serye ang limang buwang buntis at tsutsugihin na sa programa. Pero noong isang araw ay inilabas ng isang blogger ang Instagram post ni Beauty na kinunan ang sarili pero nahagip nito ang malaki niyang tiyan kaya nabuking.

Nang mainterbyu si Ketchup Eusebio, sinabi nitong may major member ng cast daw sa Ningning ang papatayin, pero hindi naman niya binanggit ang pangalan ni Beauty.

Ulila na sa ina ang karakter ni Jana Agoncillo sa Ningning at tanging ang lola ng bagets na si Sylvia Sanchez ang magpapalaki sa kanya, kasama ang tatay nitong si Ketchup. Kaya sa pag-alis ni Beauty, ano kaya ang plano ng management – bibigyan kaya nila ng bagong leading lady si Ketchup?

Sinayang ni Beauty ang pagkakataon dahil kung kailan dumami ang proyekto niya ay saka siya nagpabuntis. Sabagay blessing din naman ang pagkakaroon niya ng baby. Puwede naman siyang makabalik after niyang manganak tulad din ng iba pang female young stars na nabuntis din pero nagkaroon pa rin ng career nu’ng magdesisyon na silang bumalik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending