MAVERICK. Independent.
Ganito inilalarawan ni Senador Antonio Trillanes IV ang sarili nang kapanayamin ito ng Inquirer Bandera, kahit pa sabihin nito na pormal na siyang umanib sa Nacionalista Party nitong mga nakaraang linggo.
Ang NP ang pinakamatandang partido political sa Pilipinas.
Ayon sa senador, bagamat kabilang na siya sa isang partido, “I will still say my piece…
I will always be unconventional lalo na pagdating sa mahahalagang isyu.”
Ngunit nilinaw ni Trillanes na sa kabila ng kanyang pagiging independent, makabubuti sa kanya na umanib sa isang partido lalo na ngayong nalalapit na ang 2013 elections.
Isang reelectionist si Trillanes.“The group decided that I can be a better public servant and better legislator if I belong to a party na kumportable rin akong makatrabaho at makasama sila,” ani Trillanes.
Nilinaw rin niya na ito ang kauna-unahang pagkakataon na umanib siya sa isang partido.
Isa lamang misconception umano ang mga balita na siya ay kapartido ni Pangulong Aquino.
“I am a close ally of the president kaya may misconception na taga LP (Liberal Party) ako. Pero hindi totoo ‘yon,” paglilinaw ng senador at sabay sabi na mas pinili niya ang pumaloob sa NP para kahit papaano ay mapanatili niya ang kanyang pagiging independent.
“You can put it that way (that I’ll be in a straitjacket position) kung sasali ako sa LP,” ayon pa kay Trillanes.
Dagdag pa niya mas makakakilos anya siyang mabuti at makakapagsalita nang gusto niya kung hiwalay siya sa partido ng pangulo.
No discrimination, please
Isang bagay din ang nais bigyang linaw ni Trillanes ay ang appointment ng mga dating sundalo at pulis sa mga civilian post sa pamahalaan.
Wala aniya siyang nakikitang masama kung mag-appoint man si Aquino ng dating opisyal ng Armed Forces o National Police kung karapat-dapat naman ang mga ito sa puwesto.
“Ang sa akin, dapat hindi tayo nagdi-discriminate.
Pwedeng mag-appoint ang presidente kung karapat-dapat ka dyan, kahit ano pang profession mo.. sundalo ka man , abogado ka man, journalists ka man.
The previous occupation is irrelevant to that position,” paglilinaw ni Trillanes.
No to lawyers?
Ipinagtataka rin ni Trillanes kung bakit umano pabor na pabor ang gobyerno at maging ang publiko sa mga abogado na silang dapat nagpapatakbo ng pamahalaan.
“Nagtataka ako bakit pabor na pabor tayo sa mga abogado.
Ano ba meron sa abogado? Kung ganun alamin mo rin.
Kung Defense portfolio yan bakit ako maglalagay ng isang abogado? Ano ba ang alam dyan ng abogado?
Kung sa Health naman dapat doktor, kung sa communications naman, dapat media man.
Ano ba ang alam ng sundalo sa media, syempre ilalagay ko eh yung media man.
Parang ganun lang yun,” paliwanag pa ng senador.
Hindi rin umano siya naniniwala na “namimilitarize” ang isang departmento kung ang mga nakaupo rito ay dating sundalo o pulis. “Naku linya lang yan ng mga leftist.”
Editor: May tanong, reaksyon o komento ba kayo sa artikulong ito? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.
‘Ito ang punto ko’
SA pagdalaw ni Senador Antonio Trillanes IVsa Inquirer Bandera kamakailan ay inisa-isa niya ang kanyang mga posisyon sa ilang napapanahon at mabibigat na isyu na hinaharap ng bansa.
Narito ang ilan sa mga punto ng dating kawal ng Philippine Navy na muling hihirit sa pagka-senador sa darating na 2013 elections.
BANDERA: Anong posisyon mo sa K to 12 education program?
ANTONIO TRILLANES: I strongly believe na hindi yan ikabubuti ng ating mamamayan.
Kaya sila nagpauso ng K-12 because of the deteriorating quality of education.
So, kung quality ang problema mo bakit mo titirahin sa quantity? It doesn’t make sense. Mabibigatan talaga ang mga magulang.
Sabi ko nga 4 years lang tayo sa high school, tapos six years sa elementary, OK naman tayo, we have turned all right.
Ang dapat na gawin ay i-address muna ang basic problems gaya ng kulang sa teachers, mababa ang sweldo, kulang sa libro, kulang sa classroom, then i-assess natin nab aka makatulong yan.
Walang magulang na papayag na magdadagdag ng dalawang taon na wala naman guarantee na idudulot nun sa anak nila.
Dormant lang yung negative sentiments ng mga kababayan natin kasi hindi pa ngayon iimplement.
Pero pagka-kunwari ngayon na, naku dun lang (mag-ooppose ang mga ito).
Alam nyo naman ang mga Pilipino. Ako lang kumukontra dito. What works for us should be our own design.
Di naman tayo magpapa-graduate ng high school para mag-export eh.
Ganun ba ang policy natin? Kung ganun ang policy natin, yes, i-accommodate natin.
Pero kung tayo, dapat we are producing graduates para makapag-conrtibute sa bansa. Our system will work if properly implemented.
B: Naniniwala ka ba na nakakatulong ang CCT program ng administrasyon para maiangat ang buhay ng mahihirap?
AT: I would like to believe na ang Presidente himself, hindi naman at wala namang interest na pagkakitaan ang CCT .
Pero meron talagang tumitira sa baba. Sa akin, kasuhan yun.
Base sa na-research ko, ang origin nito…that’s how its done in Mexico.
Hindi nag work..kaya nga natalo yung president, yung ruling party, napalitan ang ruling party dahil don.
Flagship program it ng president. I would like to give him a chance.
Sampolan niya yung mga tumitira diyan.
Pag may nasampolan dyan merong mahihimasmasan dyan eh.
We should expect them (DSWD officials) to do something with it. Kung talagang wala kang kinalaman, we don’t hesitate chopping the head of these people.
B: Anong posisyon mo sa Reproductive Health bill?
AT: Anti ako. Because of sex education components, delikado yon.
Plano nilang turuan ang Grade 5 students ng sex education, pag nangyari yan talagang masisira ang ating kultura, mapapaaga ang pagmulat ng ating mga kabataan, mas marami ang mag-e engage sa sex. It will defeat the purpose.
Pangalawa ang isang kinokontra ko dyan yung provision na kakasuhan mo ang isang medical health officer if he refuses legal and safe reproductive health procedure.
Pero tinanong ko si Miriam yun bang raspa ay safe reproductive health procedures sabi niya yes.
Ngayon kung may isang buntis na babae na pumasok sa isang ospital at sinabi niya raspahin mo nga ako kasi safe yang procedure na yan pagka ni-refuse ng doctor kasi buhay ang bata o baby pwede siyang kasuhan.
Yun ang abortion, nandon yun sa RH bill
Bukod pa sa ang laki ng gastos mag-hire ka ng 200,000 midwife para sa brgy health centers and yet you have 200,000 surplus of nurses kung ang gawin mo na lang isang nurse sa bawat center mapupunan lahat ng surplus sa nurses.
Ang midwife ang alam lang reproductive health lang, ang nurse alam niya lahat.
Ang sinasabi nila grabe na daw ang population, para sa akin hindi mo kailangan ng RH bill para i-address yan.
B: Pabor ka ba sa charter change?
AT: Pabor ako . meron akong specific provisions… pagtanggal ng senior officers ng AFP sa Commission on Appointments.
Huwag na dapat silang idaan sa CA, except sa Chief of Staff at nung apat na service commanders para mainsulate sila kasi nagkakaaregulhan kaagad.
Isa pa yung maritime provisions, ngayon kasi close meaning protective siya at napakamahal ng ating domestic shipping if you have goods gusto mong ipadala sa Manila, mas mahal pa kaysa ipadala mo sa Singapore o Hongkong, kasi monopolize.
At yung sa shipping nakita nyo maraming naglulubugang barko kasi nobody wants to invest….
I believe archipelago tayo let them compete para maobliga silang ma-modernize if they want to sustain a business.
B: Payag ka bas a divorce?
AT: Ohh… hindi ko pa napag-aaralan yan (laughs).
B: Payag ka bang i-give up ang iyong pork barrel?
AT: Kung yan ang magiging policy, it’s fine by me.
Kung meron namang PDAF, sa akin, ina-allocate ko lahat sa hospital, scholarship, sa mga SUCs (state universities and colleges).
Ang bottomline, basta’t walang corruption..Kung first world country tayo we can do away with that pero nasa kultura pa rin natin na humihingi ang tao ng tulong .
We are here to help/serve them pero hindi naman pwedeng kunin sa bulsa natin.
B: Paano mo matutulungan ang Visayas, Mindanao?
AT: Kung gusto nating umasenso ang mga bayan na yan ang thrust natin should be tourism, agricultural modernization and .responsible mining.
Pag sinabi nating responsible mining meaning ma-extract natin riches sa ating lupa.
Kaya nga I proposed the bill (that was passed) creating environmental protection agency para mag –enforce ng environmental laws natin.
Ang minahan dapat may safety mechanism na maninigurado na all this mining companies will abide by the environmental laws…. yung mga pro-environment advocates ang problema lang can we provide an alternatives?..kung makakapag-provide ng alternative na kabuhayan sa mga kababayan natin eh di fine pero kung wala problema yan
B: Payag ka bang i-legalize ang jueteng?
AT: Pabayaan na lang ang jueteng, ang habulin ang mga jueteng lords.
How? Thru filing cases of money laundering and tax evasions.
Yun ang tirahin mo, not necessarily legalizing it.
Mga dapat mo pang malaman kay Trillanes
BUKOD sa pagiging senador at lider ng grupong Magdalo na sumubok i-coup d’etat si dating Pangulong Gloria Arroyo, may mga dapat ka pang malaman kay Senador Antonio Trillanes IV. Gaya ng mga sumusunod:
Networth: P3.9 milyon ang nasa SALN ko
Sasakyan: May dalawa akong sasakyan, isang HiAce, at isang Rio
Bahay: Meron akong isang 60-square meter na condo, pero ngayon I’m staying with my in-laws kasi mas mura.
Kids: I have three kids, I lost my youngest, dalawa na lang, isang 14 year old at isang 13.
Business interest: Wala pa pero gusto kung magkaroon, gusto kung mag engage para maka-augment sa salary pero naghahanap pa
Inilarawan din ni Trillanes ang ilang tao na binanggit sa kanya ng Bandera.
PNoy: Sincere and efficient
GMA: Sayang…she had nine yrs to change the lives of Filipinos pero nasayang
Erap: Popular
Enrile: Political survivor.. kasi talagang magaling
Corona: Sayang, nandon ka na, bihira ang ganong opportunity pero mas nangibabaw ang kanilang personal loyalties
Palparan: Idon’t know him…He just did his job. Ngayon bakit sya pinapersecute kung ginawa lang ang trabaho niya. Hindi si Palparan ang habulin kundi ang nag-utos sa kanya.
Trillanes: Ang strength ko siguro ay yung aking audacity to say things medyo unconventional.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.