Kris sa relasyong Julia-Coco: Feeling ko sila na talaga! hindi na ligawan! | Bandera

Kris sa relasyong Julia-Coco: Feeling ko sila na talaga! hindi na ligawan!

Ervin Santiago - August 27, 2015 - 02:00 AM

coco martin

HINDI na nakapagsalita si Julia Montes nang tuksuhin siya nina Kris Aquino, Erich Gonzales at K Brosas tungkol sa relasyon nila ng Teleserye King na si Coco Martin.

Ayon kay Kris, naniniwala siya na magdyowa na ang dalawang Kapamilya stars at posibleng itinatago lang ng mga ito sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nauna nang tinukso nina Kris at Erich ang Doble Kara star tungkol sa pagbili ng bahay ni Julia sa isang sosyal na subdivision kung saan nakatira rin si Coco.

Nilinaw naman ni Julia na may nagrekomenda lang sa kanya ng property sa nasabing village kaya nagtanong siya kay Coco kung maganda ba roon.

Siniguro naman daw ng aktor na maayos at tahimik roon. Dito rin sinabi ni Julia na katas ng pagtatrabagho niya ang kanyang bagong bahay at hindi totoong iniregalo lang ito sa kanya ni Coco.

Sa pagpapatuloy ng kuwentuhan sa nasabing episode ng Kris TV, biglang humirit si Kris ng, “I don’t think nililigawan pa. I think it’s them.”

“Alam mo naman ‘yun, mararamdaman mo naman. Pero siguro nire-respeto niya na may CocoJam ngayon kaya quiet na lang,” chika pa ng TV host-actress na ang ti- nutukoy nga ay ang tambalan nina Coco at Maja Salvador sa upcoming Primetimebida series na Ang Probinsyano.

Hindi na nakapagsalita si Julia at kitang-kita na namula ito sa naging takbo ng kanilang chikahan. Pero ayon sa dalaga, wala pa raw talagang namamagitan sa kanila ni Coco kaya wala rin siyang karapatang magselos kay Maja.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending