RICHARD napikon, dinakdan ang mga tsismosa sa TWITTER | Bandera

RICHARD napikon, dinakdan ang mga tsismosa sa TWITTER

- September 19, 2012 - 05:05 PM


“Magtampo kayo hangga’t gusto n’yo.

Wala akong magagawa kahit umusok ang ilong n’yo.

Alam ng Diyos kung bakit hindi ako nakapunta sa SFO. Tnx.”

Ito ang maanghang na mensahe ni Richard Gomez sa Twitter account niya na ikinagulat ng marami dahil imbes na lambingin niya ang mga kababayan nating Pinoy sa US ay ito pa ang naging reaksiyon niya.

Ang aktor lang kasi ang hindi nakasama sa ginanap na One Kapamilya Go at the Great America noong Sabado sa San Francisco para sa promo tour ng Walang Hanggan

Naroon sina Dawn Zulueta, Melissa Ricks, Paulo Avelino, Joem Bascon, Julia Montes at Coco Martin para personal na pasalamantan ang mga kababayan nating nanonood ng Walang Hanggan na handog ng TFC bukod pa sa nakatakda rin silang mag-taping doon ng ilang mga eksena.

May hold departure order pala si Goma kaya hindi siya nabigyan ng visa dahil sa kaso niyang tax evasion na isinampa sa kanya ni DOJ Acting Secretary Agnes Devanadera noong 2007 dahil sa hindi niya na-deklara ng tama ang kinita niya noong 2001 na nagkakahalaga ng P1.8 million at noong 2002 na umabot sa P1.02 million bukod pa sa kinita niya sa limang pelikulang ginawa niya at mga endorsements.

Bukod dito ay nakabili rin siya ng bahay sa North Forbes Park na nagkakahalaga ng P52 million.

At pagkatapos magbitaw ng salita ng actor ay nagbigay naman siya ng official statement tungkol sa hindi niya pagpunta sa One Kapamilya Go at the Great America, “Sa mga Kapamilya namin sa TFC, pasensiya na po na hindi ako nakasama ngayon diyan sa San Francisco dahil mayroon po akong biglaan na kailangang asikasuhin dito sa Pilipinas.

“Maraming-maraming salamat po sa pag-suporta  sa Walang Hanggan.

Kayo po ang naging inspirasyon namin para pagandahin ng husto ang Walang Hanggan. Magkita-kita po tayo sa susunod. Salamat po ulit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending