Lalabas na ngayong umaga (Lunes) o kagabi ang bagyong Ineng, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sa inilabas na weather advisory ng PAGASA, sinabi nito na ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang nasa layong 720 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Kahapon ng umaga (Linggo) ang bagyo ay nasa layong 360 kilometro sa hilagang silangan ng Basco.
Ito ay may hangin na umaabot sa 140 kilometro ang bilis at pabugsong 170 kph. Umuusad ito sa bilis na 17 kph.
Habang tinatahak ang direksyon papalayo ay palalakasin nito ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila, Region 4A at 4B, Ilocos Region, Cordillera Autonomous Region at Zambales.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.