Mga OFW naglabas ng hinaing laban sa Customs; nagmakaawa kay Kris | Bandera

Mga OFW naglabas ng hinaing laban sa Customs; nagmakaawa kay Kris

Ervin Santiago - August 23, 2015 - 03:30 PM

kris aquino

DININIG ni Kris Aquino ang hiling ng mga kababayan nating mga OFW tungkol sa kanilang pagtutol sa pinaplanong random inspection ng Bureau of Customs sa mga balikbayan boxes para maiwasan ang pagdadala sa bansa ng mga mamahaling gamit nang hindi nagbabayad ng tax.

Nag-post kasi si Kris ng isang litrato sa kanyang Instagram account na kuha sa airport kung saan kitang-kita sa kanyang likod ang signboard na “Customs” at dito nga nag-comment ang ilang mga OFW sa pagtutol nila sa nasabing plano ng BOC. Ayon sa isang follower ni Kris, “Goodevening po. Alam ko po may rason kung bakit yan ang background nyo, at malinaw na alam ko din po na alam nyo ang mga nangyayari ngayon. Ang dami pong nagsusumigaw na mga OFW…Mali po na ikaw ang gambalain na,im pero HAWAK PO KASI NAMIN YUNG MALIIT NA PAGASA NA BAKA SAKALI KAPAG  INYO KAMI DUMAING AY MAGIGING PARAAN O DAHILAN ITO PARA MAPARATING SA PANGULO ANG MGA HINAING NG BAWAT OFW.” Sey naman ng isa pa, “Sana ms. Krus marinig nyo ang aming hinanakit bilang OFW  balita at ipapatupad nila sa amin ng BOC ang pagbigay ng taxes and sapilitang buksan ang balikbayan boxes namin. Sana matulungan nyo kaming maiparating sa kuya nyong pangulo ang aming mga reklamo. Maraming salamat po.” Agad namang sumagot si Kris sa  kanyang IG followers, naipaabot na raw niya sa mga kinauukulan ang kanilang hinaing, “I already forwarded your concerns w/c you very clearly stated on my thread in my previous post to those in a position to not only address them but hopefully study, clarify, and act on policies that have a direct impact on you, your sacrifices, and your love for family that motivates not just you, but all of us to work hard.” Pero pahabol ng TV host-actress, “I make no promises because I’m not in government, but your concerns didn’t fall on deaf ears, and in my own small & humble way I do hope I was able to help.” Larawan mula sa Instagram ni Kris Aquino
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending