Payo kay Angeline: Kumanta na lang, huwag nang mag-artista! | Bandera

Payo kay Angeline: Kumanta na lang, huwag nang mag-artista!

Jobert Sucaldito - August 20, 2015 - 02:00 AM

angeline quinto

SAYANG ang excitement na naramdaman ni Angeline Quinto dahil ang buong akala nito noon ay magkakasama silang muli ng favorite actor niyang si Coco Martin sa seryeng Ang Probinsiyano ng ABS-CBN.

Pinalitan na ni Maja Salvador si Angeline pero ang balita ko ay merong malaking project na inihahanda ang Dos para sa nasabing singer.

Malaking panghihinayang daw ang naramdaman ni Angeline pero napalitan naman daw ito ng saya when she learned that something is being cooked for her.

“Between Maja naman and Angeline for a serye, siyempre mas panonoorin naman si Maja. Kasi nga, mas kilala si Angeline as a singer, sana huwag na siyang makisiksik pa sa acting dahil hindi naman siya cut for that.

Doon siya mag-concentrate sa pagkanta at ibigay ang aktingan sa mga aktor.  “Kasi naman, gustong sakupin ang lahat, ang dami na ngang walang trabaho gusto pa niyang solohin.

Hindi siya bagay as artista, maganda ang boses niya at kilala siya as a singer kaya puwede ba, doon na lang siya mag-focus,” anang isang mataray na kaibigan namin.

“Tama nga naman. Huwag nga siyang ilusyunada. Huwag siyang greedy. Ayusin na lang niya ang mga concerts niya, huwag na siyang umarte pa.

Tsaka na pag maluwag-luwag na sa showbiz,” talak naman ng isang reporter. I also agree. Kasi nga, she has to work on something she excels on.

Huwag na siyang mag-artista pa at napakarami nga namang wannabes na walang work nga- yon. Huwag na niyang sakupin lahat.

Inulit ko lang daw ang sintir ng mga nakausap ko. Ha-hahaha! Wala nga akong originality. Kaloka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending