Off Cam Archives - Bandera

Marawi rehabilitation, ano na?

HANGGANG ngayon ay naroroon pa rin ang mga upuang wasak, damit na naiwang nakasabit, kalderong nayupi, ang katreng bagsak. Nitong Biyernes at Sabado muli akong tumapak sa Marawi, sa lugar na naging sentro ng labanan, na hanggang ngayon ay nanatiling larawan ng hindi lamang mga guhong gusali kundi mga nabulabog na buhay, naudlot na mga […]

Mga katotohanan sa service contracting

USAPANG trabaho tayo. Ang usapin ng contractualization ay hindi matapus-tapos kahit gusthin man ng pamahalaan na ganap itong matuldukan. Sa totoo, ang service contracting ay nananatiling isang aktibo at lehitimong industriya na sakop ng sektor ng paggawa. Maraming mga manggagawa ang may trabaho ngayon sa pamamagitan ng service contracting, at sa maniwala kayo o hindi, […]

Istorya ng pakikibaka

KUWENTONG totoo ito. Wala akong karapatang isulat ito dahil hindi ko ito karanasan. Pero ikukuwento ko na rin. Hindi kasi dapat makalimutan at isantabi na lang lalo pa’t bumaha ng luha sa harapan ko. Akala ko alam ko na ang sagot sa mga bagay na tulad nito. Hindi pa pala. Gumawa pa nga ako ng […]

Survey: Nasa pagtatanong ang gustong ilabas na resulta

SINASABING nabawasan ang trust and net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, ayon sa survey ng Social Weather Station. Karaniwan sa isang nakaupong pangulo na mabawasan ng puntos sa usapin ng trust at net satisfaction rating. Nakaangkla kung saan ka nakapanig at nakatingin kung paano mo babasahin ang pagbaba ng 18 puntos kung ikukumpara sa mas […]

MRE para sa sundalo kailan darating?

PAGOD, gutom, uhaw — ganyan ang dinadanas ng mga sundalo natin na nakikipaglaban sa grupong kaalyado ng Islamic State sa Marawi City.  At sa kabila noon, kailangang maging alerto sila sa lahat ng oras. Mind over matter sabi nga. Maliit na alalahanin ang pagkalam ng sikmura kaysa sa pagtiyak ng sariling kaligtasan sa gitna ng […]

May saysay, kulay ang independent foreign policy ni Pangulong Duterte

MOSCOW — Walang pasubali na ang pagbisita ni Pangulong Duterte dito sa Russia ay ang konkretong pagsasabuhay nang paulit-ulit niyang sinasabing independent foreign policy. Russia in spite of four decades of diplomatic relationship with the Philippines is not considered an ally. That role is reserved to the other superpower, the United States of America. President […]

Tagumpay ng gobyerno vs ASG sa Bohol

SA iba’t ibang anggulo ko pupulsuhan ang naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Abu Sayyaf Group sa Inabanga, Bohol noong isang linggo. Una, ito’y tagumpay sa panig ng tropa ng pamahalaan na mapigilan ang plano ng ASG na makakuha ng mga bibihagin sa isa sa mga resorts sa Bohol. Sa katunayan, […]

Agam-agam kay Lascañas

PINANOOD, pinakinggan at sinuri ko ang mga pahayag ni retired SPO3 Arthur Lascañas nang humarap ito sa Senate committee on public order and security. Nagtiyaga din akong basahin ang nasa on-line images nang binansagang “Diary of Guilt” ni Lascañas. Kung hindi ko nadinig ang mga pagtanggi ni Lascañas noong una, maaaring mas madaling tanggapin ang […]

Fake news vs alternative truth

TUNAY na makapangyarihan ang panulat. Sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan sa iba’t ibang panig ng daigdig, ang panulat minsan ay mas matalas, matibay, matapang at mapusok pa kaysa sa isang laksang mandirigma na tangan ang kani-kanilang armas pandigma. Sabi nga “the pen is mightier than the sword.” Ang panulat ay isang porma ng pakikidigma. […]

HIV, AIDS dapat pagtuunan din ng gobyerno

HINDI lang basta balitang dapat na magdaan sa tenga o pandinig ng lahat ang pag-amin ng Department of Health na may mga blood donors na positive pala sa HIV at AIDS. Ang totoo, silip lamang ito sa tunay na sitwasyon nang paglaganap ng HIV at AIDS sa Pilipinas. Hindi ako otoridad sa usaping ito, ngunit […]

Walang talo kung nagpakatotoo

HINDI lang isang beauty contest ang Miss Universe. May mahalagang aral na mapupulot dito. Nagkataon na tayo’y mga Pilipino at ang ibig kong sabihin diyan, marami sa atin ang mga “otoridad” sa lahat ng bagay. Lahat may opinyon, lahat may say sa lahat ng bagay kasama na ang katatapos na Miss Universe. Dito sa atin, […]

What's trending