Marawi rehabilitation, ano na? | Bandera

Marawi rehabilitation, ano na?

Arlyn Dela Cruz - April 24, 2018 - 12:10 AM

HANGGANG ngayon ay naroroon pa rin ang mga upuang wasak, damit na naiwang nakasabit, kalderong nayupi, ang katreng bagsak.

Nitong Biyernes at Sabado muli akong tumapak sa Marawi, sa lugar na naging sentro ng labanan, na hanggang ngayon ay nanatiling larawan ng hindi lamang mga guhong gusali kundi mga nabulabog na buhay, naudlot na mga plano’t pangarap.

Labindalawang libong pamilya o 60,000 indibidwal ang nagtatanong kung kailan ba sila makababalik sa kanilang mga dating buhay?

Noong Sabado ay dumating din sa Marawi ang isang grupo ng Chinese engineers at urban planners para tingnan ang siyudad na winasak ng digmaan.

Bahagi sila ng Filipino-led Bagong Marawi Consortium (BMC) na siyang kausap ngayon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Task Force Bangon Marawi.

Kapag sila ang pinal na napili ng gobyerno, malaki ang gagampanan ng mga Chinese companies and corporations sa rehabilitasyon ng Marawi.

Pero sabi nga, anong petsa na?

Sa May 23, 2018 ay isang taon na ang Marawi Siege. Isang taon nang nasa evacuation centers ang libu-libong residente ng Marawi.

Kapag nasimulan ito sa target na June 7, 2018 groundbreaking tulad ng sinabi ni TFBM Chairman Secretary Eduardo Del Rosario, tatlong taon ang itatagal ng rehabilitasyon o 33 months to complete the work.

Sa pagkawasak ng 25 ektaryang sakop ng ngayon ay tinatawag na most affected areas (MAA), demolition of structures at debris management ang pinakamahirap na trabaho sa simula. Ang target batay sa planong iniharap ng BMC sa pamahalaan ay anim na buwan ang itatagal nito.

Alam ba ninyo kung ilan ang estimate na debris sa Marawi pag sinimulan na ang demolisyon? Nasa 15 milyong tonelada!
Saan ito dadalhin? Ano ang gagawin dito? A Herculean task I could imagine pero malay ko naman kung may mga makabago nang paraan sa debris management.

Ang malinaw rito at hindi na dapat ipagdiinan pa, inip na inip na ang mga nawalan ng tirahan sa nangyaring digmaan. They are willing to wait some more time, wala namang choice.
Pero ang hiling lang nila, umpisahan na.

May nakausap akong NGO worker, ayaw nang magpabanggit ng pangalan pero ang sabi, marami sa mga evacuees ang nakakaranas na ng gutom dahil dumalang na ang tulong sa kanila.

I heard the same story sa grupo ni Amina Rasul. Bumisita sila sa mga evacuation centers at kinausap ang mga kabataan. May pagkain silang inihanda pero hindi raw ginalaw. Tinanong nila kung bakit hindi kinakain yung inihandang pagkain. Ang sagot ng isang batang may edad 10: “Iuuwi ko po para may mapagsaluhan kami ng pamilya ko.”

Ang pagkaing hawak nya ay para sa isang tao lang pero dahil alam niyang wala silang pagkain, hindi nagawang lunasan ang sariling sikmurang kumakalam.

Kulang-kulang isang buwan ay unang taong anibersaryo na ng pagsiklab ng digmaan sa Marawi.

Uwing-uwi na sila. Alam nilang wala na ang kanilanf mga tahanan. Ibang Marawi na ang kanilang babalikan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero mangyayari lamang yun kung masisimulan na ang rehabilitasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending