Pinalusot na shabu at ang sistema sa BOC | Bandera

Pinalusot na shabu at ang sistema sa BOC

Arlyn Dela Cruz |August 14,2018
facebook
share this

Pinalusot na shabu at ang sistema sa BOC

Arlyn Dela Cruz - August 14, 2018 - 12:10 AM

BAKIT nga ba nakalusot na naman sa bansa ang isang malaking shipment ng shabu gamit ang Bureau of Customs? Akala ko ba mahigpit sila?

Hayaan nating isang custom insider ang magpaliwanag.

Hindi alam o baka di pa alam ng Philippine Drug Enforcement Agency kung sino ang nasa likod ng nadiskubreng P6.8 bilyong shabu shipment, pero may mga Customs “insiders” na nakakuwentuhan natin na alam kung sino.

Ito ay katulad noong bago pa pumutok ang pangalan ni Mark Taguba sa noon ay P6.6 bilyon shabu, alam na agad ng lahat ng mga players na siya ang sangkot.

It is safe to say that all players doing business with the BOC know each other at least by name, malaki o maliit man na player.

Yung paglalagay ng shabu sa mga magnetic lifters, diskarte yun sa port of origin, o para sa mas malinaw na kuwento sa totoong port of origin, China, not Malaysia.

So sino naman ang player na matunog sa mga kapwa nya players na nasa likod ng shipment na ito?

Noong 2011 pumasok as player yung kakuwentuhan ko. Itong player na ito, dinatnan na nila, malaki na ang pangalan next to the name of D. T. na alam sa mundo ng BOC na isang higante. Yung D.T., yung tipong player na Certificate of Eligibility mula sa National Food Authority ay nasa 5,000 metric tons pero ang totoong ipinarating niya ay nasa 50,000 metric tons. This is not about D.T. though.

Binibigyang diin lang ng kausap ko na next in line yung player na ito na laging general merchandize ang parating. Nasa 100 containers every week ang parating ng player na ito.
Malakas ang loob ng taong ito na noon ay player na nasa likod ng smuggled na bigas.

Ang kuwestyon ngayon ay puwede bang sabihin talaga ng BOC na walang paraan para malaman nila na illegal drugs ang tunay na laman ng container?

Kuwento ng kausap ko, malalaman agad kasi bawat container may manifesto. Yung manifesto dumarating sa port 1-2 days bago ang arrival ng actual vessel.

Doon pa lang alam na makikita na sa bigat pa lang at may sapat at akma ng teknolohiya at pamamaraan na tukuyin ang tunay na laman ng container.

Sige sabihin nating nakalusot sa manifest, paano naman ang x-ray department? Dapat lahat dumadaan doon, unless deliberately hindi idinaan.

Ang lusot, “random test” kasi tapos straight sa yellow lane, which means no need for x-ray.

Sa documentation ng laman ng container batay lagi sa bigat, mahigpit daw sa China so ang lusot pag naging bulag sa pagbabago sa declared weight yung mag-iinspeksiyon dito.

So sino ngayon o saan ngayon papasok ang lusot? Sino ang may kasalanan?

Kailangan bang alam o nakatimbre sa matataas na opisyal ng BOC? Puwedeng oo, puwedeng hindi, depende sa player kung gusto niya isama yung taas o hanggang x-ray division lang o level lang ng Customs police or in other words, hanggang baba lang.

Pag sangkot yung nasa taas, mas maliit ang kita ng player kasi mas malaki ang lagay at kung sa baba lang, mas maliit ang lagayan.

Sabi ng kausap ko, say for example, sangkot ang nasa itaas, nasa P10 milyon ang bigayan. So do the math. Pag x-ray division or someone from the x-ray division o sa baba lang, P2 milyon lang ang bigayan, so mas malaki ang kita ng player.

Kung natatandaan ninyo ang hearing sa Senado tungkol sa naunang controversial shabu shipment from China, pag sinabing player, eto yung regular na may transaksiyon sa BOC at sa iba’t ibang client pero wala silang papel o official identity, pretty much like Taguba.

Ang papel nila is to link consignee, client, and contacts sa BOC, taas man o baba.

At lahat ng player magkakakilala. Nagkakatunugan kung sino ang may parating na illegal. Iba yung under value na container —lahat ng player gumagawa noon sabi ng kausap ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Why sa BOC uli pinadaan ang shabu shipment? Siyempre may napatunayan na. Nakalusot na dati, so inulit.
Meaning sabi ng insider na kausap ko, may sistema na silang nabuo. At most likely, same operators involved.
Kahit gaano kahigpitsa simula, masisilaw at masisilaw din sa dakong huli…kasi iyon ang sistema?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending