May saysay, kulay ang independent foreign policy ni Pangulong Duterte
MOSCOW — Walang pasubali na ang pagbisita ni Pangulong Duterte dito sa Russia ay ang konkretong pagsasabuhay nang paulit-ulit niyang sinasabing independent foreign policy.
Russia in spite of four decades of diplomatic relationship with the Philippines is not considered an ally.
That role is reserved to the other superpower, the United States of America. President Duterte took a giant and bold step out of the traditional comfort zones. If there is one distinct mark of Duterte’s presidency, this is it— a well pronouced and actively pursued independent foreign policy for the country that is not a mere lip service.
At dahil hindi nga tradisyunal na kaalyado ng Pilipinas ang Russia, may mga nagtatanong, mabuti ba ito para sa bansa? Saan ito papunta? Ano ang magiging epekto nito sa relasyon naman ng Pilipinas sa mga dati nang kaalyado tulad ng Amerika?
You do not have to be a Duterte ally or supporter to see where this is going. The Duterte independent foreign policy is grounded on common sense and the operative words are expansion and new frontiers. Pinalalawak ng Pilipinas sa pamamagitan ng independent foreign policy ni Duterte ang sakop ng pakikipagtulungan, pagnenegosyo at pamumuhunan dahil ito rin ang galaw ng ibang bansa kasama na ang Amerika at ang bagong kaibigang Russia.
Duterte’s independent foreign policy comes at a time when Russia made its presence felt in East Asia. Logikal para sa Russia na naisin na mapatatag ang kanyang relasyon sa mga bansa sa Silangang Asya at kasama na diyan ang Pilipinas. Nagtugma ang pagnanais na ito ng Russia sa pagbubukas ng pinto ng Pilipinas para sa mga bagong kaalyado.
Ngayon, ang tanong: Nangangahulugan ba ito ng pagtalikod ng Pilipinas sa Estados Unidos bilang matagal na kaalyado sa rehiyon? Makailang beses mang murahin ni Duterte ang Amerika, sa bibig niya rin nagmula ang pagtiyak na mananatili itong kaalyado ng bansa. Kung mayroon mang pagbabagong magaganap, ito ay inaasahang sa mas lalong pagbuti nang pakikitungo ng Amerika sa Pilipinas.
Totoo na puwedeng ikasama ng loob ng isang matagal nang kaibigan ang pakikipagmabutihan ng kanyang kaibigan sa isang bagong kaibigan.
Gayunman, maaaring sa ibang direksiyon, sa pagbuti higit sa pagbuway ng relasyon ang kasapitan ng relasyon. Sa payak na pagtingin sa pagitan ng magkakaibigan, maaring matanong, ano kaya ang naging pagkukulang niya sa kanyang kaibigan upang magawa niyang humanap ng isa pang makakasama sa mga bagay o gawain na dati ay sila ang magkasama?
Hindi ba’t ganun naman talaga ang pagkakaibigan? Dumaraan sa pagsubok, at kapag nalagpasan ang pagsubok ay lalong tumitibay ang ugnayan at samahan? Hindi dapat katakutan ang bagong pakikipagkaibigan at sa halip ay marapat pa ngang salubungin ito ng may bukas na kaisipan at kilalanin na ito na ang bagong galaw ng mga pinuno ng mga bansa.
Nabigla lang ang ilan, at ang mga kritiko ng administrasyong Duterte ay laging iba ang magiging pagtingin sa kanyang mga hakbang. Ngunit ang Pilipinas ang makikinabang sa kalaunan sa pagbubukas ng pinto sa mga bagong kaalyado.
Ibang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas na kaibigan niya hindi lamang ang Amerika kundi pati na ang Russia.
Ito ang hayag na hugis at saysay ng independent foreign policy na ipinatutupad ng Duterte Administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.