Luis bawal pang pakasalan at anakan si Angel | Bandera

Luis bawal pang pakasalan at anakan si Angel

Reggee Bonoan - June 10, 2015 - 03:00 AM

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

Hindi diretsong sinagot ni Luis Manzano kung totoong bawal munang mag-asawa at mabuntis si Angel Locsin dahil nakalagay ito sa kontrata niya sa ilang endorsements.

Naisip kasi namin, baka isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi pa rin makapag-propose ng kasal si Luis sa aktres.

“Ah ako (ang bawal) yun! Ha-hahahaha! Hindi ‘yung sa kanya naman I think na may mga stipulations na puwede naman sa big, big step na mangyayari sa amin, so we have to finish certain things muna,” paglilinaw ni Luis.

Sa madaling salita ay posibleng sa 2017 pa maganap ang kasal ng dalawang Kapamilya stars dahil bukod sa ilang commitments ay may “Darna” movie pa si Angel.

“I wish I knew, well, napag-uusapan namin, pero kumbaga, I was with her (recently), magkausap kami, napag-uusapan din namin ‘yung pictorial, ‘yung ganyan-ganyan, 2017 maybe, masyadong malayo pala,” sabi pa ng binata.

Samantala, tinanong din namin ang aktor kung may planong bumalik sa pagka-mayor ng Batangas ang mommy niyang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto dahil base sa mga nakausap naming taga-Lipa ay malakas ang ugong na kakandidato nga ang Star for All Seasons sa pagka-alkalde.

“You know, honestly, in terms of my mom’s political plans, never akong nagtanong. Kami, especially kapag nagkakasama kami ni Mommy, medyo bihira na dahil sa mga busy schedule namin.

“Pero when we have dinner or kuwentuhan namin, we leave politics outside. It is basically catching up lang ng isang ina at ng isang anak. Anything na politics, anything na ganyan, hindi namin pinag-uusapan,” paliwanag ni Luis.

Aware rin daw ang proud son ni Gov. Vilma na maraming gustong maka-tandem ang nanay niya sa 2016 election, “Oo, I’m sure, with her track record, how she has served Lipa and Batangas, I would not be surprised if people wanted her to run for a national position.

“It makes me proud as a voter and as a son na ganu’n ang tingin nila sa mommy ko bilang isang pulitiko,” sabi ni Luis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending