Gelli, Arnell, Atty. Mel sanib-pwersa sa ‘Solved Na Solved’ | Bandera

Gelli, Arnell, Atty. Mel sanib-pwersa sa ‘Solved Na Solved’

Cristy Fermin - January 10, 2015 - 03:00 AM

arnel ignacio
Sa January 19, alas onse y medya nang tanghali, ay mapapanood na sa TV5 ang programang Solved Na Solved na ang magmamaneho ay sina Arnell Ignacio, Gelli de Belen at Attorney Mel Sta. Maria na legal consultant ng istasyon.

Kaabang-abang ang programang ito dahil magiging makabuluhan para sa a-ting mga kababayan ang tema ng kabuuan ng show, maraming aspetong legal na matututuhan ang manonood, hindi masasayang ang kanilang kuryente sa pagtutok sa Solved Na Solved ng TV5.

Nakakuwentuhan namin sa “Cristy Fer Minute” si Arnelli nu’ng isang araw, marami siyang kuwento tungkol sa mga problemang idinudulog sa kanila ng ating mga problemadong kababayan, iba-ibang kuwento ‘yun na bibigyan ng solusyon ng kanilang show nina Attorney Mel at Gelli.

“May isang babae, pagkakautang sa kanya ng isang kaibigan ang inilapit niya. Napakatagal na kasi ng utang sa kanya, pero hindi pa rin siya binabayaran, kaya ang ginagawa niya, kinuha niya ang ATM card ng nangutang sa kanya.

“Pinayuhan siya ni Attorney Mel, mga payong-legal siyempre ‘yun, hanggang sa may itinanong ako sa guest namin, ‘Kinuha n’yo po ba naman ang PIN ng card?’

“Naloka siya, napailing, kinuha niya ang card pero hindi niya naman pala alam ang PIN!” tawa nang tawang kuwento ng magaling na komedyante-TV host.

Aabangan namin ang Solved Na Solved, ganito ang klase ng programang kailangang meron tayo ngayon, dahil may malaking pakinabang sa ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending