Sylvia Sanchez walang paki sa lovelife ni Arjo | Bandera

Sylvia Sanchez walang paki sa lovelife ni Arjo

Reggee Bonoan - July 01, 2014 - 03:00 AM


Hindi nakikialam si Sylvia Sanchez sa lovelife ng anak na si Arjo Atayde dahil nang hingan namin siya ng komento tungkol sa sinabi raw ni Toni Gonzaga na mas gusto niya ang non-showbiz guy para kay Alex Gonzaga ay dedma lang ito.

Sa nakaraang presscon ng Pure Love ay nabanggit ni Alex na ayaw ng ate at mommy Pinty niya na taga-showbiz ang maging boyfriend niya kaya sarado ang puso niya ngayon.

Pero si Arjo ay willing to wait naman kung kailan magbubukas ang puso ng dalaga at naniniwala rin naman ang binata na someday baka mabago ang pananaw ng ate ni Alex.

Bilang ina ay masakit na tanggihan ang anak ng pamilya ng babaeng gusto nito kaya kinunan namin ng komento si Ibyang. Natawa lang ang premyadong aktres nang makausap namin siya kahapon. “Ha-hahaha! Hindi naman ako nakikialam sa lovelife ng anak ko, kung sino ang gusto niya, bahala siya, wala akong say.

“Kaya kung anuman ang sabihin nila kay Arjo pagdating sa lovelife niya, hindi ako apektado at dedma ako. “Mas apektado ako kapag may umangal sa ugali ni Arjo na hindi siya marunong makisama sa mga katrabaho niya mula sa utility hanggang sa artista at kung hindi siya magalang.

“Kasi siyempre ibig sabihin, hindi maganda ang pagpapalaki naming mag-asawa, e, iyon ang pinupukpok ko parati sa lahat ng anak ko na rumespeto sa lahat maski na sino ang kaharap nila.

“Kaya tungkol sa ligaw-ligaw o lovelife, wala akong pakialam diyan, maski sino ang mahalin ng anak ko, welcome sa akin, mahirap o mayaman basta marespeto sa pamilya, welcome sa bahay namin,” ani Ibyang.

Samantala, nabanggit ni Alex na “catering” nila sa set ng Pure Love si Arjo dahil lagi siyang nagdadala ng pagkain. Kuwento naman ni Ibyang, “Si Arjo kasi parating nagbabaon ‘yan pag may taping, sasabihin niya, ‘Ma, paghanda mo ako ng baon.’

“So ako, ipaghahanda ko siya like ‘yung corndog with cheese nga, apat na piraso, tapos pag-uwi, sabi niya, ‘Ang konti pala ng ipinadala mo, hindi ako kumain kasi kokonti, ayokong kumain ng may nakakakita.’

“Gusto kasi ni Arjo, lahat kakain ng dala niya, pati staff,  lahat ng nasa set kasi katwiran niya, bigyan lahat kasi magkano lang naman ang kinikita nila tapos puyat at pagod pa. Kaya siguro niloloko siyang may catering.”

“Kaya proud ako sa anak ko sa ganu’ng bagay, kasi siya mismo ang nagkukusa at hind koi yon itinuro,” paliwanag ni Ibyang.
Sabagay, may pagmamanahan si Arjo dahil maski nanay niya ay ganito rin ang ugali, nagdadala siya ng pagkain sa set ng Be Careful with My Heart at parating may kainan din sa bahay nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to sylvia sanchez official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending