Vilma echosera, magaling mag-emote; Luis masisira sa politika
PALAGI na lang pa-echos kung sagutin ni Batangas Gov. Vilma Santos ang media tuwing natatanong kung siya ba ay may balak to run for a higher position sa politics.
Palagi niyang sinasabing wala pa sa isipan niya iyon – kuntento na raw siya sa kung nasaan siya ngayon. Kung siya ang tatanungin ay ayaw niya pero huwag ka, obvious naman she is eyeing for a real high post.
Naaalala pa namin when she was still the mayor of Lipa City, iyon din ang sinabi niya. Ngayong governor na siya ng Batangas, iyan pa rin ang statement niya pero kalat na kalat nang she is running for Vice-President, katandem ni presidentiable Jojo Binay.
Alam niyo kasi, parang opium iyang politics. Once you’ve tasted it, hindi ka na makakaalis kahit gustuhin mo pa. Nakakaadik kumbaga. Kasi nga, you enjoy so much power, fame and fortune.
Wala pa rin kaming naririnig na malalaking infrastructure projects or sobrang pinagkakagastusan para lalong mapaganda ang lalawigan ng Batangas, so, ang tanong ng mga taga-Batangas, where does all the budget go? Bakit parang hindi raw nila nararamdaman ang sinasabing paglagi ng ekonomiya ng lugar nila.
Anyway, kilalang kuripot din si Vilma Santos, magaling kasi sa pera iyan kaya tiyak na sobrang yaman na ng inyong gobernadora. And with a husband like Sen. Ralph Recto who has mastered the art of politicking – my gosh!
Sabi nga nila, sa sobrang yaman na ngayon ni Vilma kahit na hindi na siya gumawa ng pelikula o commercial, puwede pa rin siyang mag-mahjong for the rest of her life. Ha-hahaha!
Even her son Luis Manzano na sabi niya dati ay ayaw niyang umentra sa politics dahil sa dami ng threats and everything ay balitang tatakbo na rin as mayor ng Lipa City – bailiwick nilang mag-ina dahil nga sa nakitaan nila ito ng magandang potential sa buhay.
Isang termino mo lang sa politics ay puwede mo nang ikabuhay for the rest of your life. Lalo pa pag corrupt ka. I’m not saying that Luis will be corrupt one day once he gets the seat, pero sa dami ng bad influence sa politika, who knows?
Kapag nagkataon, masisira lang ang pangalan niya sa magulong mundo ng politics. Pareho ng emote ang mag-inang Vilma at Luis, mga kamag-anak raw talaga ni SERA. Sinong SERA? Sino pa, si Aling Echo-SERA. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.