Marian gaya-gaya kay Angel, pati pagbuyangyang ng boobs kinopya | Bandera

Marian gaya-gaya kay Angel, pati pagbuyangyang ng boobs kinopya

Alex Brosas |November 22,2013
facebook
share this

Marian gaya-gaya kay Angel, pati pagbuyangyang ng boobs kinopya

Alex Brosas - November 22, 2013 - 03:00 AM

MARIAN RIVERA AT ANGEL LOCSIN

KAHIT na magkaibigan naman sila sa totoong buhay ay buhay na buhay pa rin talaga ang rivalry nina Angel Locsin at Marian Rivera.

Nag-away ang mga fans ng dalawa at inakusahang gaya-gaya si Marian pati sa posing ni Angel. Meron kasing isang pose si Angel for a cosmetic brand dati na halos katulad ng pose ni Marian sa latest nitong endorsement.

Pareho kasing nakahawak sa kanilang leeg ang dalawa na para bang nauuhaw. Meron din kaming nakitang picture kung saan pareho ang style ng kanilang gown na halos kita na ang kanilang boobs.

At nang kumalat sa social media ang photos nila, nagkaroon ng comparison, siyempre hindi nagpatalbog ang hukbo-hukbong fans ni Angel at talagang inisa-isa nila ang mga panggagaya ni Marian sa kanilang iniidolo.

“Pati sa mga pagtulong di nio ba pansin…nung nagkahabagat si angel PUMUNTA sa mga nasalanta at nag abot ng relief goods, etong si marianconda biglang gumaya at nagabot din sa pamamgitan nga lang ng red cross na may NAGPAPAYONG PA!!!

“Then ngyon sa yolanda si angel nag PACK aba aba! si mariancobra AHAS nagrepack na din!!! OMGEEE. gya gaya si marianconda e nanduduro nman Plastik!” walang paking talak ng isang fan ni Angel.

“Nakikisabay nalng sa KASIKATAN ni Angel. e panu mas pinag usapan pa si ANGEL kesa sa nakapanty at bra niang calendar ng ginebra. DUH!!” komento pa ng isang maka-Angel.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending