Xian walang nagawa sa pagkapahiya ni Kim sa premiere night ng 'Miss Granny' | Bandera

Xian walang nagawa sa pagkapahiya ni Kim sa premiere night ng ‘Miss Granny’

Ambet Nabus |August 27,2018
facebook
share this

Xian walang nagawa sa pagkapahiya ni Kim sa premiere night ng ‘Miss Granny’

Ambet Nabus - August 27, 2018 - 12:20 AM

AGREE kami sa mga nabasa naming mga review ng mga nakapanood na ng “Miss Granny”, to date, this is Sarah Geronimo’s best movie.

Balanseng-balanse ang mga emote ng drama at comedy ng pelikula at ramdam mong nakapag-internalize talaga nang husto si Sarah for the role.

Actually, nu’ng pinanonood namin ang movie, feel na feel ko talaga ang bumatang karakter ni Tita Nova Villa (played by Sarah nga), na napakahusay din. Perfect sila sa isa’t isa sa mala-time travel na pagkukuwento ng kanilang buhay.

Ilang beses din kaming naluha sa mga makabagbag-damdaming eksena at kahit na doon sa kumakanta lang si Sarah, na ayon nga sa role niya sa movie ay puno ng puso at kaluluwa.

Nakakatuwa ding mapanood si James Reid sa kakaibang role niya rito at pati na ang iba pang cast members tulad nina Buboy Garovillo, Nonie Buencamino, Lotlot de Leon, tita Marissa Delgado (na first time naming napanood na kumakanta) at maging yung OA na anak ni Buboy, Danita Paner at Xian Lim.

Maganda ang production values, storytelling, ci-nematography, visual effects, costumes at yung mga kanta ngang ginamit.

Ang galing-galing talaga ni Joyce Bernal sa mga ganitong klase ng material kaya naman kahit nasa labas na kami ng sinehan ay sing pa rin kami ng “A kiss me, kiss me.” Ha-hahaha!

Hindi na kami magugulat kung maging award-winning din ito gaya ng Korean movie nito, na balitang magkakaroon din ng Hollywood version.

q q q

Ayaw na ngang patulan pa ni Kim Chiu ang isyung pinaalis siya sa upuan during the premiere night ng “Miss Granny” dahil aniya, “Lahat naman kami ay nakaupo at nakapanood ng magandang movie.”

Pero ang kumakalat na tsika, wala raw talagang nagawa ang pagkakikay at feeling mataray ng Chinita Princess na naimbita nga sa naturang event.

Kung sa Star Cinema event daw yun nangyari, tiyak daw na mananabon kung hindi man magtataray si Kim dahil siyempre ang feeling niya ay big star siya ng naturang movie outfit.
But since invited guest lang siya ng kanyang boyfriend na si Xian na hindi rin naman talaga bidang-bida sa pelikula, alam daw ni Kim kung saan siya lulugar.

Ni wala nga raw nagawa si Xian sa insidente dahil mga “big time” guests pala ni Sarah Geronimo at ng Viva Films ang mga nagpaalis kay Kim sa upuan.
Kaya nga ang lesson learned daw sa pangyayari, “know your territory.”

Sa kabilang banda, may mga pumuri naman kay Kim sa hindi na nito pagpatol sa isyu dahil baka nga magamit pa kuno siya sa u-sapan eh hindi naman siya kasama sa movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero reaksyon naman ng mga kapwa namin Popsters, “Excuse lang no! Hindi siya kagamit-gamit para pag-u-sapan ang pelikula. It can stand on its own at may guaranteed box-office na iyan. Ewan na lang sa iba.”

Aguuuyyyyyy!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending