Willie binalaan sa pagtakbong mayor ng QC: Magugulo lang ang buhay mo! | Bandera

Willie binalaan sa pagtakbong mayor ng QC: Magugulo lang ang buhay mo!

Cristy Fermin - July 11, 2018 - 12:20 AM

PURO tawa lang ang sagot ni Willie Revillame kapag may mga nagtatanong sa kanya kung totoo bang tuloy na tuloy na ang kanyang pagtakbo bilang mayor ng Quezon City?

Wala siyang diretsong sagot, pangiti-ngiti lang siya, pero hindi na naman lihim sa marami ang madalas na pagbisita sa kanya ng mga kilalang pulitiko sa Kyusi.

Ang huling impormasyong nakarating sa amin, dalawang buwan pa mula ngayon ay kailangan na niyang magdesisyon, kailangan na niyang sabihin sa mga pulitikong nanliligaw sa kanyang tumakbong mayor ang sinsero niyang sagot kung tuloy siya o hindi.

Ang ideyang ‘yun ay tinututulan ng mga taong palaging nakasuporta lang sa kanya, huwag na raw sana, dahil napakagulo ng mundo ng pulitika sa Pilipinas.

Kahit ang kaibigan naming propesor ay hindi pasable sa paglahok niya sa pulitika, ang reaksiyon ni prop, “Napakaganda na ng buhay ni Willie, napakarami na niyang natutulungan kahit wala siya sa position. Maraming kababayan na nating nababago niya ang buhay through Wowowin, kaya bakit pa niya gugustuhing gawing kumplikado ang buhay niya?

“Pakisabi kay Willie, madaling pumasok, pero mahirap lumabas. Hindi niya alam ang mundong papasukin niya kung sakali, mas gusto ko siyang nakikitang tumutulong sa mga kababayan natin nang wala siyang hinihintay na kahit anong kapalit,” punto ni prop.

Sana’y makarating kay Willie Revillame ang mga ganitong reaksiyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending