Pacquiao biglang bumawi kay Roach, apektado sa pang-ookray ng bashers | Bandera

Pacquiao biglang bumawi kay Roach, apektado sa pang-ookray ng bashers

Ambet Nabus |April 19,2018
facebook
share this

Pacquiao biglang bumawi kay Roach, apektado sa pang-ookray ng bashers

Ambet Nabus - April 19, 2018 - 12:20 AM


MARAMI ang nagsabing natakot makarma si Sen. Manny Pacquiao kaya’t bigla itong kumambiyo na hindi pa final ang pag-eetsapwera niya kay coach Freddie Roach. Mag-uusap pa raw sila tungkol sa kanyang boxing career.

After bumandera ang tsikang iniwan na ni Pacman ang pamosong coach-trainer at business manager niya for 15 years, tila naapektuhan ang Pambansang Kamao ng pamba-bash at pangnenega sa kanya ng mga tao.

Well, ang tingin namin dito ay nagpapalakas lang ng publisidad si Pacquiao para mas pag-usapan ang laban nila ni Lucas Mathysse sa July 15.

Wala na kasing matinding isyu na puwedeng magamit ang senador para pansinin uli siya ng boxing world lalo pa’t hindi na ganu’n ka-impressive ang mga huling laban niya.

Bukod sa nabawasan na ang lakas niya kumpara sa mga “pamatay” niyang kilos before, balitang nagkalasan na rin umano ang sponsors at advertisers niya, at ang iba’y nag-cut na rin daw ng presyo nila for his talent fee. May ganern talaga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending