Sofia Romualdez Pinay version ni Miley Cyrus

By Reggee Bonoan April 17,2018
share this

Sofia Romualdez Pinay version ni Miley Cyrus

By Reggee Bonoan April 17,2018
share this

NANG unang ipakilala si Sofia Romualdez sa ilang miyembro ng media sa Tacloban City kung saan ito nag-perform, marami na ang nagandahan sa kanyang boses at pwedeng-pwede raw talagang maging singer.

Ilang buwan lang ang nakalipas ay ni-launch na si Sofia ng Viva Records kung saan ipinarinig ng dalaga ang mga awiting siya mismo ang nag-compose. At that time ay medyo matinis pa ang boses at medyo nanginginig pa ang dalagitang anak nina ex-Mayor Alfred Romualdez and Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez dahil sa kabang nararamdaman.

Pero sa ginanap na bonggang mediacon para sa launching ng mga bagong kanta ni Sofia na ginanap sa Manila Polo Club ay napakalaki na ng improvement sa boses at performance ng bagets.

Aniya, “I really love to sing, since I was young, it was more of like a hobby, but I’ve never really like, told everyone that I could sing, like I would just sing in my room, and no one really knew that I could sing until I started singing when I was 15, when my parents heard me. So that was when I started to really pursue music.”

At habang kumakanta si Sofia sa stage ay maraming nakapansin na may hawig siya sa international-actress singer at The Voice US coach na si Miley Cyrus. Halos pareho rin sila ng style sa pananamit at pagsasalita.

Nagustuhan namin ang melody ng awitin niyang “Location” at “Pikit Mata.” At bumilib din kami dahil hindi lang pala kumakanta ang anak ni Mayor Kring Kring, magaling din siyang tumugtog ng musical instruments tulad ng ukulele at piano.

Samantala, nagkuwento ang daddy ni Sofia na si ex-mayor Alfred kung bakit todo-suporta sila sa anak nila ni Mayor Cristina na i-push nito ang hilig sa musika.

Ito’y para raw mawala ang trauma nito sa kanyang naranasan noong Bagyong Yolanda (2013). Halos dalawang oras para siyang nakakapit sa isang poste habang rumaragasa ang tubig baha sa kanilang lugar. Talagang lumaban si Sofia para mabuhay.

“The water was so strong that Sofia got swept away. For about a hundred feet away, we were very lucky, she was very lucky that there was a post that she was able to grab onto.

“And on that post, she was fighting for her life for almost two hours. So, we were very fortunate na nabuhay siya from that incident. Not many families in Tacloban are as fortunate as we were.

“We were concerned about her coping with that, the trauma, without experience. That’s why I really pushed music for her in order to hopefully cope up and make that experience a lesson, a lesson that will make her stronger in life later on.

“So, I just wanted to share that story with you so you’ll really see the courage and the resilience of our daughter,” emosyonal na pahayag ng daddy ni Sofia sa harap ng entertainment reporters na naimbita sa presscon ng dalaga.

As of now ay tinatapos na ni Sofia ang kanyang full album at ilo-launch na ito ng Viva Records very soon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending