Kylie awang-awa na sa sitwasyon ni Aljur, pasimpleng niresbakan si Robin | Bandera

Kylie awang-awa na sa sitwasyon ni Aljur, pasimpleng niresbakan si Robin

Cristy Fermin |February 08,2018
facebook
share this

Kylie awang-awa na sa sitwasyon ni Aljur, pasimpleng niresbakan si Robin

Cristy Fermin - February 08, 2018 - 12:05 AM

ISANG masinsinang pag-uusap na ang kailangang upuan ng mag-amang Robin Padilla at Kylie. Bago pa lumaki ang gawak ng kanilang relasyon ay dapat na silang magkaroon ng komunikasyon.

Bihirang-bihira lang magsalita at mag-post ng kanyang emosyon si Kylie, pero kapag ginawa niya ang ganu’n ay siguradong may aaray, may masasaktan.

Wala man siyang binanggit na pangalan ng kanyang pinatatamaan ay nag-opinyon na ang ating mga kababayan, si Robin ang kanyang pinatutungkulan sa mga isyung isa-isa niyang kinatwiranan, marespeto naman pero kumakagat ang kanyang mga litanya.

Binanggit ni Kylie ang paksa ng pagpapatawad, pang-unawa at panghihiya sa kapwa. Ayon kay Kylie ay may mga taong nagsasalita pero hindi naman ginagawa ang kanilang mga sinasabi.

Kamakailan lang ay naglabasan ang iba’t ibang kuwento tungkol sa naging reaksiyon ni Robin nang may magbanggit ng pangalan ni Aljur Abrenica. Parang gusto na raw manuntok ng action star.

Natural, nakararating kay Kylie Padilla ang mga ganu’ng kuwento, nakakaramdam siya ng awa sa ama ng kanyang anak, kailangan niya namang ipagtanggol si Aljur, kahit patagilid lang.

Sana nga ay magkausap na ang mag-ama para hindi na lumala ang senaryo. Maganda pa naman ang kanilang relasyon, nagkakaunawaan sila, pero mukhang magkakaroon sila ng hidwaan ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending