Horoscope, February 02, 2018 | Bandera

Horoscope, February 02, 2018

Madam Sophia |February 02,2018
facebook
share this

Horoscope, February 02, 2018

Madam Sophia - February 02, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lakas ng loob ang kailangan para umunlad. Sa pinansyal, hindi kailangang mabahiran ng takot ang paghahangad na yumaman. Sa pag-ibig, tuloy ang mga nakasasabik na paglalakbay sa malalayong lugar habang kasama ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kirata-Pulkasa-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito, mag-isip munang mabuti bago mag-invest ng malaking halaga. Sa pag-ibig, iwasang manaig ang imoral na relasyon upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 3, 17, 27, 38, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Pink at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansyal, hindi palakihan ng suweldo ang labanan, kundi paramihan ng ipon. Sa pag-ibig, kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa taong ito ay iwasang makipagtsismisan— kailangan ang pagkilos upang umunlad. Sa pag-ibig, ginigininaw ang minamahal kaya mamayang gabi ay yakapin siya. Mapalad ang 5, 14, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Visnu-Om.” Gold at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprayoridad. Sa pag-ibig, sumunod nang sumunod sa kasuyo upang lalo pang lumigaya at yumabong ang relasyon. Mapalad ang 2, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Upang suwertehin, tiyaking ang bintana ng inyong bahay ay nakaharap sa silangan. Sa ganyang ayos, mabilis na papasok ang salapi at sa pag-ibig, maligayang pagmamahalan ang mananahan sa buong pamilya. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa taong ito, tatabo ng malaking halaga kung lahat ng magagandang oportunidad ay hindi mo tatanggihan. Lalo kang papalarin kung magsusuot ng silver na alahas. Sa pag-ibig, isang masarap na relasyon ang iyong maaakit. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 37, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Artam-Om.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Panahon na upang makinig ng paborito musika upang umaliwalas ang pakiramdam. Isa-isang magbabalik sa alaala mo ang masasayang nakaraan. Sa pinansyal, aangat ang income habang payapa ang isipan. Mapalad ang 6, 18, 27, 30, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Aum-Manu-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal. Sa pinansiyal, ipilit mo ang iyong gusto, tiyak na mapapahinuhod mo sila at mapasusunod. Matapos silang sumunod sa iyo ay kikita ka ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ang tinitibok ng puso ang sa iyo ay magpapaligaya. Maghanap ng taong mabait na may pinag-aralan, siya ang ibigin mong tunay. Kapag ang puso’y nagmamahal, kusang maaakit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Violet at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansiyal, singilin nang mahigpit ang mga taong sa iyo ay may pagkakautang. Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, habang nagsusungit ka ay lalo ka namang gumaganda? Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 39 at 489. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mayena-Patrena-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Alalahanin mong hindi makakapagdagdag ng income ang lihim na sama ng loob kaya patawarin ang sa iyo ay may mga kasalanan. Sa pag-ibig, kung sino ang iyong kinaiinisan, siya pa ang unti-unting mapapamahal sa iyo. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Param-Prana-Prisada-Om.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kulang ka sa libido! Lagyan ng libog ang anumang ginagawa. Sa pananalapi, lagyan ng lambing ang pag-aalok ng kalakal. Sa pag-ibig, landiin ang minamahal upang muling uminit ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 7, 16, 34, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Jana-Om.” Green at maroon ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending