Lola nabundol ng van, patay

By John Roson January 12,2018
share this

Lola nabundol ng van, patay

By John Roson January 12,2018
share this
NASAWI ang 62-anyos na babae nang mabundol ng van sa Baguio City, Huwebes ng hapon.
Binawian ng buhay si Mary Luis Siw-ang habang nilulunasan sa Baguio General Hospital and Medical Center dahil sa pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.
Naganap ang insidente alas-5:15, sa panulukan ng Abanao Ext. at Carino Road.
Tumatawid sa pedestrian lane si Siw-ang nang mabundol ng Mitsubishi Delica van (XKF-194) na dala ni Ponce Sab-it Batnag, ayon sa ulat.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver at hinahandaan ng kaukulang kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending