Ai Ai kakaririn agad ang pagubbuntis pagkatapos ng kasal kay Gerald Sibayan | Bandera

Ai Ai kakaririn agad ang pagubbuntis pagkatapos ng kasal kay Gerald Sibayan

Jun Nardo |October 12,2017
facebook
share this

Ai Ai kakaririn agad ang pagubbuntis pagkatapos ng kasal kay Gerald Sibayan

Jun Nardo - October 12, 2017 - 12:10 AM

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

Magpapaiyak muli si Ai Ai delas Alas sa pinagbidahang episode ng Magpakailanman na mapapanood ngayong Sabado. Buhus na buhos ang emosyon niya sa eksenang naabutan namin sa taping.

Isa siyang battered wife, nag-drugs, tumakas sa asawa, iniwan ang mga anak. Relate din siya sa kuwento dahil sa back story ay isa siyang ampon gaya niya na inampon ng tiyahin nu’ng bata pa.

“Kaya dito, mahilig akong mag-ampon. Kasi naawa ako sa mga batang walang bahay. Walang tirahan kahit walang-wala na kami. Kasi nagbabasura lang kami. Pero may sarili rin akong anak, apat. Sabi nila, 19 ‘yung aampunin ko,” kuwento ni Ai Ai.

Komo naranasan na rin niyang maging battered housewife, ginamit niya ang experience niyang ‘yon sa mga hugot lines niya. “Lahat naman ng nangyari sa buhay ko, lessons learned. Kaya ‘yung mga lesson na ‘yon, ‘yun ang gagamitin ko para maging maayos ang buhay ko. Example, para hindi rin kami mag-away ni Darling.

“Dumarating kasi sa atin ‘yung ganoon para mabuhay tayo. Para hindi na natin ulitin,” rason niya.
Komo malapit na ang kasal nila ni Gerald (Sibayan), priorities lang daw ang mababago sa buhay niya.

Una, ang asawa, magiging anak nila, pamilya at career. Puwede pa rin naman daw siyang magbuntis ayon sa kanyang doctor.

“Kailangan apurahin dahil baka magsara ang factory! Alam mo na! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng Comedy Queen.

Tulad ng ibang ikinakasal, sa mismong araw ng wedding na niya isusuot ang kanyang wedding gown. Sa ngayon, todo work muna siya sa taping ng Bossing & Ai nila ni Vic Sotto at sa promo ng pelikulang “Bes And The Beshies” na mapapanood sa Okt. 18.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending