Aljur dapat patunayang handa nang maging tatay | Bandera

Aljur dapat patunayang handa nang maging tatay

Ambet Nabus |August 09,2017
facebook
share this

Aljur dapat patunayang handa nang maging tatay

Ambet Nabus - August 09, 2017 - 12:10 AM

SIGURADONG mas magsisipag at mas pagbubutihin pa ni Aljur Abrenica ang kanyang mga nakalinyang trabaho sa ABS-CBN ngayong tatay na siya.

Noon palang time na nasa presscon si Aljur ng Ang Probinsyano, ay nagle-labor na ang partner niyang si Kylie Padilla. Sabi ng hunk actor, mismong ang anak ni Robin Padilla ang nagsabi sa kanya na pumunta at makipagchikahan sa media dahil magsisilbing welcome event din iyon para sa pagpasok niya sa ABS-CBN.

Pinapunta naman ni Aljur ang kanyang nanay at kapatid para personal na bantayan at alalayan si Kylie sa panganganak nito.

Baby boy (Alas Joaquin) ang first baby nina Aljur at Kylie at ikalawang apo naman ni Robin dahil last week lang ay nanganak na rin ang panganay niyang si Queenie mula sa Australia.

Magandang blessing nga ito for Aljur at wish ng marami na sana nga’y magtagumpay na ang kanyang

career sa ABS-CBN.
Congrats!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending