Nanay ni Pokwang na may Alzheimer’s nagsasalita na uli | Bandera

Nanay ni Pokwang na may Alzheimer’s nagsasalita na uli

Ervin Santiago |March 18,2017
facebook
share this

Nanay ni Pokwang na may Alzheimer’s nagsasalita na uli

Ervin Santiago - March 18, 2017 - 12:35 AM

pokwang
NAGIGING emosyonal si Pokwang kapag pinag-uusapan na ang kanyang inang may Alzheimer’s disease.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, ibinalita ng komedyana na medyo okay na ang kundisyon ng kanyang Mama Gloria.

“OK naman si mama. Nakakapagsalita na rin siya ng unti-unti kasi pinapa-acupuncture namin,” naiiyak na sabi ni Pokey.
Miss na miss na raw niya ang mga luto ng kanyang nanay, “Kasi may isa akong niluto sa Magandang Buhay na nami-miss ko kasi iyon ang niluluto niya ng madalas. Ngayon hindi na siya puwedeng makapagluto dahil wala na. Niluto ko lang ulit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending