Quantcast

Luis pinatunayang seryoso na kay Jessy; nakipag-bonding sa mga future biyenan

By

jessy mendiola at luis manzano

PINATUNAYAN ng TV host-comedian na si Luis Manzano na seryoso ang pakikipagrelasyon niya kay Jessy Mendiola. Ito’y sa kabila nga ng mga negatibo at malilisyosong chika tungkol sa dalawa.

Nitong nakaraang Pasko, nakipag-bonding ang anak ni Lipa Cong. Vilma Santos sa pamilya ng Kapamilya actress. Personal na dinalaw ni Luis ang kanyang girlfriend sa bahay nito noong Pasko.

Mismong si Jessy ang nag-post sa Instagram ng Christmas photo ng kanyang pamilya kung saan kasama nga ang boyfriend niyang si Luis. Kitang-kita sa nasabing picture na at home na at home na si Luis sa bahay nina Jessy.

Sa huling panayam kay Jessy sa presscong ng latest movie nitong “Extra Service” under Star Cinema and Skylight Films, sinabi ng dalaga na going strong pa rin ang relasyon nila ni Luis kahit na ayaw silang tantanan ng kanilang bashers.

Sa isang episode nga ng game show ni Luis sa ABS-CBN, ang Family Feud, inamin ni Jessy on national TV na mahal na mahal niya si Luis. Ang binata nga raw ang “best gift” na natanggap niya noong birthday niya.

Ayon naman kay Luis, hangga’t kaya niya ay ipagtatanggol niya si Jessy mula sa mga taong nang-aapi rito, lalo na raw sa mga bastos at malilisyosong bashers.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement