Gabbi Garcia pangarap maging beauty queen, game mag-2 piece bikini | Bandera

Gabbi Garcia pangarap maging beauty queen, game mag-2 piece bikini

Jun Nardo |November 19,2016
facebook
share this

Gabbi Garcia pangarap maging beauty queen, game mag-2 piece bikini

Jun Nardo - November 19, 2016 - 01:00 AM

GABBI GARCIA

GABBI GARCIA

PINANGARAP talaga ng Kapuso teen actress na si Gabbi Garcia ang maranasan ang debut. Pero ayon sa kanya, hindi tradisyunal na debut party ang mangyayari sa December na gagawin sa Marriott Hotel.

“May nagsasabi na mag-travel daw ako pero mas pinili ko ‘yung magkaroon ng debut. Pangarap ko ‘yon eh,” pahayag ni Gabbi sa pinatawag na presscon para sa kanyang 18th birthday na may hashtag na #Sincerely Gabby.

Kahit present daw ang ka-loveteam na si Ruru Madrid sa party, hindi ito papapel na escort niya.

Tatlong beses din siyang magpapalit ng damit at ang dalawang gown ay likha ni Mark Bumgarner.

So puwede na silang mag-date ni Ruru na silang dalawa lang pag 18 na siyang talaga? “Ay hindi pa po.

May respeto ako sa mga magulang ko kaya kahit 18 na ako next month, sinusunod ko pa rin sila.

Friends lang namin kami ni Ruru at focus muna kami sa aming career,” rason ni Gabbi lalo na ngayong, bumalik na ang character niyang Sang’gre Alena sa Encantadia.

Nagpapasalamat ang dalaga kay Ruru dahil sa extra care na ibinibigay nito sa kanya, “Thankful ako na may nag-aalaga sa akin. Parang, ito pala ang feeling ng may nag-aalaga. Iba kasi ang alaga ng parents, iba yung alaga ng sister. Ito pala yung feeling na maalagaan ng isang Ruru.”

Pagdating naman sa katangian na gusto niya sa magiging boyfriend, ani Gabbi, “Lahat naman so far na mga traits na gusto ko sa guy, meron naman siya.”

Bukod sa pagiging artista, hindi pa rin nawawala ang pangarap ni Gabbi na maging beauty queen. Kaya naman sa pictorials niya, inilantad niya ang kanyang alindog na pang-beauty queen din, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending