Angeline nakipaghalikan kay Jake | Bandera

Angeline nakipaghalikan kay Jake

Reggee Bonoan - November 16, 2016 - 12:20 AM

jake cuenca at angeline quinto

 

HINDI natuloy ang presscon kahapon ng bagong Regal Entertainment movie na “Foolish Love” na pinagbibidahan nina Angeline Quinto at Jake Cuenca, kasama ang PBB couple na sina Tommy Esguerra at Mijo Nishida mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

May isang cast member daw kasi ang biglang nagkasakit kaya postponed muna ang presscon.

Nanghinayang kami dahil plano sana naming itanong kay Angeline kung ano ang reaksiyon niya sa komento ng mga nakapanood ng “Divas Live In Manila” kamakailan na natabunan siya nina Yeng Constantino at KZ Tandingan?

Wala raw kasing bagong ipinakita si Angge kundi magtitili sa entablado kumpara kina Yeng at KZ na talagang nagmarka ang performance sa audience.

Isa pa sa gusto naming itanong sana kay Angeline kung gaano katindi ang kissing scene nila ni Jake sa “Foolish Love”, ibig bang sabihin nito, goodbye na siya sa wholesome niya?

Anyway, ang ganda-ganda ng mood mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo ng Regal dahil kumikita ang pelikula nilang “The Escort” nina Derek Ramsay at Lovi Poe.

Sabi ng isang malapit sa mag-inang producer, “Alam mo sina Mother at Roselle maski hindi kalakihan ang kinita ng mga pelikula nila, masaya na sila ro’n.

“Let’s say 20 million ang kinita net ‘yun, okay na, hindi na nila hinangad pa ng sobra-sobra, pero kung kumita ng todo-todo, e, why not, di ba?

“Pero ang talagang maganda sa kanila, bilang producers, marunong silang mag-share sa kita nila,” dagdag pa ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending